CORAZON
Tinignan niya ang mga braso. Humupa na ang pamumula no'n. Taliwas sa sinabi ni Donny ay tingin niya naman hindi ganoon kalala ang nangyari. He just overreacted. Maputi ang balat niya kaya mabilis itong magkulay kahit sa kakaunting bagay.
Bumuntong-hininga siya bago ibinaba ang manggas ng kanyang sweatshirt at niyakap ang sarili. Malamig dahil gabi na't nagsimula pang bumuhos ang malakas na ulan. Kaya nga sa halip na pumila siya sa terminal para makasakay na ng jeep pauwi ay pinasya niyang dito na muna sa waiting shed manatili para hindi mabasa.
Pilit niyang iwinawaksi sa isip ang mga nangyari kanina. How Donny overreacted and how Kisses looked quizzically at them both. Nasisiguro niyang sa mga oras na ito ay tinatanong na nito si Donny. Hindi tanga si Kisses para wala itong mapansin.
Kung mangyayari man iyon ay hihingi na lamang siya ng tawad dito. Hindi naman mahalaga kung magkakilala sila ni Donny o hindi pero sa tingin niya mali pa ring pinagtaguan niya ito. But it wouldn't surely affect their relationship so she shouldn't bother herself too much too.
Hinigpitan niya ang yakap sa sarili nang umihip ang mas malamig na hangin. Pinanood niya ang bawat patak ng ulan sa naiipong tubig sa gutter. Nawala roon ang tingin niya nang isang pares ng maganda at mamahaling sapatos ang umagaw ng kanyang atensiyon. Sinundan niya ng tingin ang taong nagmamay-ari no'n at pagod na napasinghap nang makita si Donny.
Ngayon ay may suot na itong itim na leather jacket sa ibabaw ng puting long sleeves. Wala itong dalang payong ngunit hindi naman masyadong basa ang ulo at katawan. But still droplets of water fell from his hair. The way his hair became messier and his lips more wet and red bothered her so much.
"Sumabay ka na sa'kin. Ihahatid na kita pauwi," he said in a casual and low tone.
Mariin siyang pumikit. Kinakalma ang sarili. Kanina'y gusto niyang sumabog. Hindi niya maintindihan ang ikinilos nito. Ano naman kung mapaso siya ng sabaw? Ano naman dito kung masaktan siya? Bakit ngayon ito nag-aalala kung kailan hindi na niya iyon kailangan?
Mahal niya si Donny pero hanggang doon lang ang katangahan niya. Luckily.
"Corazon..."
"Nasaan si Kisses, Attorney Pangilinan? Hindi ba siya ang dapat mong ihatid pauwi?" aniya sa malamig na tono. Nakatakas ang sakit sa kanyang tono sa kabila ng pigil niya rito.
"Nakauwi na siya. The driver drove her home."
"Kung ganoon umuwi ka na rin," tumayo siya at inayos ang sports bag sa kanyang likod. Balak na niyang suungin ang ulan para lang makawala sa harapan ni Donny.
"Corazon...hayaan mo na ako'ng ihatid ka."
Tears stung her eyes. Nanginig ang labi niya dahilan upang kailanganin niyang kagatin iyon. Hindi niya alam kung bakit siya ang kailangan nitong paglaruan ng ganito. Ngunit kung ano mang rason iyon ay sana tumigil na ito. Isn't it enough that up until now she's in love with him?
"Masaya ka ba, Donny? Masaya ka ba tuwing pinaglalaruan mo ako? Nage-enjoy ka ba?" nakakagulat ang kalmado niyang tono sa kabila ng lahat ng emosyong gustong sumabog.
Sinabi niya iyon nang nakatingin kay Donny ng tuwid. Sinalubong nito ang kanyang mga mata nang hindi natitinag.
"Hindi kita pinaglalaruan—"
"Kung gano'n, bakit? Bakit, ha?" nanginig ang boses niya. Tumulo ang kanyang luha bago pa man niya iyon mapigilan. Wala na. Nakita na ni Donny na nasasaktan siya. There's no reason for her to hide it anymore. "Bakit ganyan ka kung maka-akto ngayon? Bakit parang concerned na concerned ka sa'kin? Bakit hindi mo na lang ako pabayaan?! Nagawa mo ng sampung taon 'di ba?! Bakit 'di mo pa ituloy-tuloy?! Pabayaan mo na ako!"
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Wrong (A SharDon Fanfiction)
FanfictionAlam ni Corazon kung ano ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki para masabing ito na si Mr. Right. Until Donato "Donny" Pangilinan came in to the picture and made her experience strange feelings. But why? He's the total opposite of her dr...