Chapter 1

22 3 1
                                    

Wala pong prologue :D




Enjoy :)





Samantha Cordova's POV









Tumingin pa ulit ako sa salamin at inayos ang nakatinghas kong buhok. Kailangan maging Perfect ng gabing ito para samin.




May kumatok sa pinto ko at pumasok si Mama.




"Wow ..."




Yun lang yung nasabi niya. Anong Wow ba yun? Wow na nagagandahan siya sakin o Wow na ang disaster ng itsura ko?.




Inayos niya ang pink dress na suot ko at inilihis niya sa likod ng tenga ko ang ilang bahagi ng buhok ko.




"You look great ija"




Nakangiting sabi ni mama. Sa wakas nakahinga narin ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Medyo kabado kasi ako kanina eh Feeling ko pag hindi naging maayos ang itsura ko masisira ang first anniversary namin ni Alex.





"Thanks Ma"


Nginitian niya ako at saka niyakap.



"Behave ha? pakipot ng konti."




Ginantihan ko din ng isang mahigpit na yakap ang mama ko. Pakiramdam ko tuloy para kong ikakasal e makikipagdate lang naman ako.




"Osya bumaba kana at kanina kapa hinihintay ng prince charming mo dun"




Tinanguan ko lang siya at lumabas na ng kwarto. This is it.



Parang may kung anong daga ang lumulundag sa dibdib ko sa bawat hakbang ko sa hagdan pababa. Bakit ganito ang feeling? Parang may kakaiba? Hindi naman ito ang First time namin na magdedate pero feeling ko para kong nasa langit.



Sino ba naman ang hindi matutuwa kung isang Alex De Leon ang boyfriend mo. Siya lang naman ang Valedictorian at tinaguriang hearthrob sa school namin.




Napakabait niya at sobrang perfect, Langit siya kung ikukumpara sakin na isang hamak na ordinaryong estudyante lang at ni hindi man lang sikat. Pero ngayon abot kamay nanamin ang isa't isa.




Cloud9 ang Feeling! :)



Nasilayan ko na ang mala-anghel niyang mukha na naghahantay sakin habang nakangiti. Nakasuot siya ng Pure white long sleeves at maong pants na tinernuhan pa ng mamahalin niyang sapatos.




"Sammy .."




Mahina lang ang pagkakasabi niya pero narinig ko padin. Napangiti tuloy ako ng maisip na natulala siya sa ganda ko haha.




Ng makalapit na ako sa kanya hinigit niya agad ang beywang ko at hinalikan sa pisngi. Blush ^////^




"You look wonderful" bulong niya sakin.




Wah! Nakafluster na ata ang ngiti sa pisngi ko! MyGoodness. Hindi pa nagsisimula yung date namin sobrang pinapakilig na ako ng Taong to.




"Lets go?" aya niya sakin. Tumango naman ako at binigyan siya ng sweet smile.




"Ma alis napo kami." paalam ni Alex kay mama na kasalukuyang bumababa palang sa hagdan. Oo, Mama nadin ang tawag niya kay mama. Legal naman kasi kami at si mama nadin ang nagprisinta na tawagin siyang ganun ni Alex.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Last SaranghaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon