❝P A G S U B O K A T P A G M A M A H A L❞

6 0 0
                                    

❝P A G S U B O K  A T  P A G M A M A H A L❞

Pagmamahal ko sa iyo ay totoo
Totoong totoo na di kita kayang iwan
Totoong totoo na patuloy kitang iniintindi
Iniintindi sa bawat lakad mo
Sa lakad mong di ako kasama
Sa lakad mong ikaw lang ang nakakaalam
Iniintindi ka sa bawat pag alis mo
Pag alis mo sa aking piling
Pag alis mo ng kirot sa aking damdamin
Intinding intindi kita mahal ko
Dahil ang pagmamahal ko sayo ay totoong totoo
Pero diko mawari wari na bakit may mga pagsubok na patuloy na humahadlang sa pagmamahal ko sayo
May tumututol
May ayaw sa akin
May sadyang trip lang na alisin ako sa iyong piling
Pagsubok pagsubok pagsubok
Isang salita na kailangan kong suungin
Susuongin ang lahat dahil nagmamahal ka
Iyan ang sabi nila sakin nung ako ay nililigawan ka
Patuloy parin ako sa aking motibo
Motibong aangkinin ka
Pero mahal ako ay napapagod din
Napapagod sa mga pagsuong ko
Napapagod sa pakikipagkaibigan sa mga taong mahal mo na ayaw naman sakin
Pero hinding hindi ako mapapagod mahalin ka
Kasi ikaw ang aking enerhiya
Na sumusustansya sa akin sa tuwing ako ay pagod na
Sa tuwing ako ay parang susuko na
Andyan ka sa tabi ko
Mahal ko, pagsubok lang ito
At mahal ko, ako ay may sasabihin sayo

Ako ang iyong sumpa
Isang magandang sumpa
Sumpang kailangan mong mahalin
Kailangan mong gustuhin
Kailangan mong angkinin
Kasi nagmahal ka
Pag nagmahal ka, magbubuwis ka
Magbubuwis sa katotohanan na masasaktan ka
Sa katotohanan na sasaya ka
Sa katotohanan na magiging sawi ka
Sa bawat oras na pagdurog ng iyong puso
Umiiyak ka
Sumisigaw ka
Sumisigaw sa sakit na iyong nadarama
Sa sakit na patuloy mong madadarama
Madadarama ang pait ng pag-ibig nato
Ang pait ng iiwanan ka
Ang pait ng pagkadurog ng iyong puso
Pero mahal ko, magpakatatag ka
Kahit ako man ay sumpa sayo
Mananatili akong magandang sumpa para sayo
Magiging sumpa tayo sa isa't isa

Pinapangako ko sayo na narito lang ako
Narito lang ako at di ka iiwan
Hindi ako gagaya sa iba
Hindi ako susuko kahit na kumakapit nalang ako sayo
Hindi ako susuko kahit na nawala na yung pagmamahal mo
Hindi ako susuko kahit na nagiging tanga na ako
Kasi pinili ko ito
Ginusto ko ito
Ginusto kong mahalin ka
Kasi alam kong magiging masaya ako
Alam kong masasaktan ako pero mangingibabaw parin ang kasiyahan ko
Kasiyahan kong nadarama at madadarama sa pagmahahal ko sayo
Kasiyahan na maibibigay mo
Kasiyahan na ibibigay ko at ibibigay mo
Mahal ko, wag ka ng magselos
Alalahanin mong mahal kita
Alalahanin mong ikaw lang
Alalahanin mong wala ako ngayon sayo kung di kita mahal
Pahalagahan mo ako kasi ngayon palang mahalagang mahalaga kana sa akin
Parte ka na ng buhay ko
Hindi man ikaw ang magiging huli ko
Pero ikaw ang una
Nauna ka sa puso ko
Nauna ka sa pagmamahal nato
Nauna ka sa buhay ko
Mahal ko, mahal kita
At hiling ko na napadama ko sayo ang pagmamahal nato
Ang pagmamahal na sayo ko pa lang naibibigay
Pangako yan mahal ko

Pagsubok at Pagmamahal
Dalawang salita na malalim ang kahulugan
Nangangahulagan na sa bawat pagmamahal may pagsubok
Pagsubok na hahadlang sa kasiyahan ninyo
Pero hindi ito rason para sumuko ka
Sumuko ka sa pag-ibig mo
Sumuko ka sa pagkaduwag mo
Ito ay nangangahulugan na ikaw ay maging matatag
Maging matatag para sa iniibig mo
Maging matatag para sa sarili mo
Mahal ko, sa pagtatapos ko
Gusto kong tandaan mong pasasayahin kita
Kasi yun ang gusto ko
Walang lungkot o iyak na dapat akong makita mula sayo
Dahil masisisi ko ang sarili ko sa di paghalaga sayo
Mahal kita
Ay hindi kita mahal
Mahal na mahal kita higit pa sa iniisip mo.

—Al Anthony Intong (@allistic_)

Thread Of My Spoken Word PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon