❝M I N A H A L K I T A❞
Nais kong ipaabot ang sulat na ito sa taong minahal ko
Sa taong naging bahagi ng buhay ko
Sa taong naging parte ng puso ko
Aking sinta, makinig ka
Gusto kita dahil gusto kita
Walang rason kung bakit gusto kita
Dahil iyon ang tibok ng puso ko
At sinasabi ng isipan ko
Ikaw ang nagbigay sa akin ng liwanag
Sa mga oras na kailangan ko ng liwanag
Sa mga oras ng kadiliman
na tila ako'y ginawang alipin magpakailanman
at binuhos sa mundo ng kalungkutan
Ikaw ang naging liwanag ko
At ako ang naging gabay mo
Pero bakit ka nawala mahal ko
Bakit bigla kang nawala
Dahil ba ay wala
Wala ka ng pagmamahal sa akin?
Sawang sawa kana sa akin?
Kaya naghanap ka ng iba?
Yan ba ang rason mo mahal ko?
Kung oo, tatanggapin ko
Pero ito ang sasabihin ko sayo
Di ako nagkulang sa pagmamahal ko sayo
Walang labis at walang kulang mahal ko
Minahal kita kahit iniwan mo na ako
Minahal kita kahit dinurog mo ang puso ko
Minahal kita ng totoong totoo.—Al Anthony Intong (@allistic_)