❝A K I N G M A H A L❞

3 0 0
                                    

❝A K I N G  M A H A L❞

Aking mahal, mag-ingat ka
Mag-ingat ka dahil ako'y wala
Wala sa tabi mo para ikaw ay bantayan
Bantayan sa mga nagtatangkang ikaw ay saktan
Aking mahal, gusto kong malaman mo
Malamang mong hindi ako bobo
Para di malaman na nagseselos ka
Nagseselos ka at iniisip na ikaw ay tanga
Aking mahal, hindi ka tanga
Kasi nagmamahal ka
Kapag nagmamahal ka, masasaktan ka
At kapag masasaktan ka, nagiging tanga ka
Kaya aking mahal, normal lang yan
Wag kang mabahala dahil ikaw ay mahal ko
Mahal kong nasa puso ko
Mahal kong iniintindi ko
Mahal kong nasa isipan ko
Aking mahal, nais kong ipaabot sayo
Ang mensaheng ito
Dahil ang pagmamahal ko sayo
Ay totoo, napakatotoo
Na pati buhay ko ay sinakripisyo para sayo
Mahal kita hanggang ngayon
At umaasa akong balang araw
Matutunan mo din akong mahalin, aking mahal.

—Al Anthony Intong (@allistic_)

Thread Of My Spoken Word PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon