❝PAALAM❞
Ang sasabihin ko simula dito ay paalam ko para sayo
Walang halong biro o anumang laro
Ang pag-ibig ko sayo ay totoong totoo
Walang pagsisinungaling o pagtago
Kung nagdududa ka parin sakin wala na akong magagawa diyan
Bastat ang sasabihin ko sayo ay puro katotohanan lamangBago ako magpaalam sayo
Gusto kong ipaalala sayo ang ating pinagsamahan
Naalala mo ba nung una tayong nagkakilala
Ako si dodong, ikaw si nene
Ako ang lapis at ikaw ang pambura
Ako ang chalk at ikaw ang blackboard
Ang ating mga karanasan ay makapangyarihan
Nakatatak sa aking isipan na magiging tayo
Na may tayo
Na akin ka at akoy sayo
Pero mahal ko, ano nga ba ako sayo?
Isa lang ba akong pampalipas oras mo
Isang biro na kaya mong pagtawanan
Isang laruan na pwede mong paglaruan
Ano nga ba ang meron tayo?Nung una nating pagsasama ang saya saya natin
Masaya ka at masaya ako
Walang ibang tao kundi tayo
Tayo tayo tayo
Kumain tayo sa isang kakainan
Pumunta tayo sa palaruan
Pinanood natin ang mga bituin sa langit
Masaya tayo non pero tanong ko lang sayo
Sinamahan mo ba ako non dahil wala siya para sayo
Dahil di ka niya sinamahan
Mahal ko, wag naman sana
Hindi dahil mahal kita sasaluhin na kita sa araw na wala siya
Mahal ko, wag naman sana
Hindi dahil mahal kita andiyan ako palagi sayo kapag sinaktan ka niya
Mahal ko, wag naman sana
Ang sakit sakit ng magpakatanga para sayo
Ano nga ba ako sayo?Mahal kita pero paalam
Mahal kita pero aalis na ako
Mahal kita at patuloy kitang mamahalin
Ang sakit na aking nadarama
Ay parang isang granadang nag-iisa
Itong sakit na tuwing kasama kita
Ay lalong lumulubha
Mahal ko, tunay kitang minahal
Pero minahal mo ba ako?
Oo, bilang kaibigan
Pero gusto ko higit pa diyan
Alam kong hindi mo kaya
Kasi mahal mo parin siya
Nagpapakatanga ako sayo
Nagpapatanga karin sa kanya
Ano nga ba ako sayo?
Ano nga ba ka sakin?
Iyan ay simpleng sagot
Ikaw ang mahal ko
Ikaw ang nagpapasaya sakin
Ikaw ang kaibigan ko na nais kong maging akin
Paalam na mahal ko
Paalam na at alagaan mo ang sarili mo
Paalam na at akoy lilisan na sa iyong tabi
Babalik ako, oo
Pero sa pagbalik ko, gusto ko masaya ka
Ayokong malungkot ka parin
Kasi sasaluhin na kita at gagawin kang akin
Paalam na sa puso kong duguan
Palaam na damdamin kong sawi
Paalam na mahal ko.—Al Anthony Intong (@allistic_)