Chapter Three

18 4 2
                                    

Yoongi❤

Yoongi pumunta kanina si tita dito. Hinahanap ka niya. Anong sasabihin ko?

Yoongi galit na galit kanina si tita

Sinira niya sa labas ng bahay namin yung mga mixtapes na naiwan mo.

Yoongi natatakot ako.

Magiging maayos din ang lahat. Babalik din ako agad arraseo? Wag kang matakot. Akala ko ba tigre ka? Mas nakakatakot ka pa kay eomma eh.

At nagawa mo pa talaga akong asarin?!

Naku! Sinasabi ko sayo Yoongi hindi ka makakauwi ng buhay dito sa Daegu pagnambabae ka!

Selosa naman ng girlfriend ko❤

All of my worries quickly vanished when I read his messages. It's been 3 days simula nong pumunta sila ng Seoul. Gusto ko rin sana sumunod kaso ayaw pumayag ni tita.

"Hi Yoora" humarang sa dadaanan ko si Hyunjae, isa sa mga schoolmates ko na mahilig mangulit. Tinaasan ko siya ng kilay at nilagpasan.

"Ako tong nakikiusap ng maayos!" Napuno ng takot ang dibdib ko ng hawakan niya ako sa balikat at pasigaw ang pananalita.

Pauwi na kasi ako galing sa school at madilim na. Blackbelter ka Yoora , pagpapagaan ko sa loob ko.

Nasanay kasi akong hinahatid ni Yoongi kapag uwian na.

I harshly held his hand and twisted it.

"Aaaaaaaahhh!! Oo na! Hindi na! Sorry na!" Pinipilit niyang tanggalin yung pagkakahawak ko kaso masyado siyang mahina.

"Sa susunod pipili ka ng makakalaban mo" dali dali akong umalis sa lugar na yon.

***

"Siya ba yon?"
"Oo siya nga"
"Umalis lang boyfriend niya lumalandi na"
"Hindi porket maganda at matalino siya pwede na siyang lumandi ah"

Nagtaka ako ng sundan ako ng mga estudyante ng tingin habang papunta sa klase ko.

"YOORAAAAA!!!" Dinig sa buong hallway ang sigaw ni Soorim at hingal na hingal na nakarating sa akin.

"Ano?" Si Soorim ay kaibigan ko. Well siguro kaya kami naging magkaibigan kasi pareho kami ng ugali.

"S-s-ha f-r-ehed-" hingal na hingal niyang sabi to the point na di na siya makapagsalita.

"Wait nga! Hinga ka muna"

"Sa Freedom Wall dali!" Sinusubukan niya akong hilain pero tinatamad ako.

"Ano ba kasi yon?!" Napilitan akong magpahila sa kanya.

"TABI!" Sigaw niya at lahat umalis sa daanan papuntang Freedom Wall.

Mapanghusgang mata ang sumalubong sa akin ng makita nila ako.

Sa Freedom Wall may nakadikit na picture ko at ni Hyunjae kagabi ang meron. Nakatalikod siya sa picture at medyo nakaside ang mukha at nakapikit ako kaya mukha kaming naghahalikan.

May mga nakasulat na words like Slut! Maladi! Makati! At lahat ng masasakit na salita na hindi ko naman ginawa.

Pagtalikod ko sumalubong sa akin ang matatalim na mata ni Jena, girlfriend ni Hyunjae.

*slap*

Napahawak ako sa namumula kong pisngi.

"You bitch! Nawala lang si Yoongi saglit nangangati ka na!"

*slap*

Ginantihan ko siya ng sampal. "Wala akong ginagawang masama"

"Oh really? Eh anong ibig sabihin ng paghalik mo sa boyfriend ko dis oras ng gabi?! Ano?! Hindi ba panlalandi yon?" Nanggagalaiti niyang sambit, habang ako walang emosyon na nakatingin sa kanya.

"I don't want to waste my time explaining on someone na napasukan na ng make up ang utak"

"How dare yo-" sasampalin niya sana ako ng may kamay na pumigil sa kaniya. Umasa akong bumalik na si Yoongi.

"Stop being immature" cold voice echoed the hallways as he spoke those words.

Umalis na ako sa lugar na yon na parang walang nangyari at dumeretso sa likod ng building dahil masyado ng clićhe pag sa rooftop pa ako pupunta.

Nakatingin ako sa kawalan. Ang bigat ng dibdib ko. I want to scream. I want to explain myself. I want to tell everybody that I'm not a slut.

Isa isang tumulo ang mga luha ko. Niyakap ko ang tuhod ko at tahimik na umiyak

"Yoongi asan ka na?"

Kailangan kita...

Letting GoWhere stories live. Discover now