23

4.4K 227 89
                                    

In an instant, the black cover was immediately and almost violently torn away from her head. Siguro hindi man lang iyon nag-isang segundo sa ulo niya bago iyon hinablot ulit. She stiffled her sudden gasp of surprise and looked around in uncertainty, a questioning look clearly written on her face.

"Do not touch her until I told you to do so." walang emosyong saad ni Ichiro sa kung sino man ang naglagay ng itim na tela sa ulo niya. Gusto niyang tingnan kung sino iyon, lumingon upang kilalanin ngunit natatakot siya. Natatakot na baka sa kanya mapunta ang atensiyon ni Ichiro. There was a leashed fury apparent in his form and anytime pwedeng sumabog iyon. Anytime. And even if Moira is an assassin, this is the first time that she actually felt real fear.

Ibinaba niya ang kanyang ulo at yumukod ng bahagya. Naisip niya na walang ibang tamang gawin ngayon kundi ang humiling na sana ay maging invisible siya sa paningin ng lahat. The safest way to play this game is to run into the corner and pretend that you are not in the situation.

"Yes sir. I'm sorry." narinig niyang sagot sa likuran niya.

For some time walang kahit na sino ang umimik. Pakiramdam ni Moira ay natigil ang mundo sa pag-inog dahil kahit na isa sa mga tao na nakapalibot sa kanya ay hindi man lang gumalaw. And maybe it was a strategy, a way to intimidate her more, kasi nung magsalita si Ichiro, parang ang dinig niya ay isa iyong tunog ng latigo.

"Now--" saad nito sa kabila ng katahimikan dahilan upang mapaurong siya sa pagkabigla. Sa hindi inaasahang pagkakataon, dumaiti ang katawan niya sa kung sino mang nakatayo sa likod niya. Dalawang pares ng matipunong kamay ang humawak sa braso niya saka walang pasubaling pinatuwid siya ng tayo. Kasabay nun, dalawang pares din ng nagyeyelong malalamig na mata ang sumunod ng tingin sa kamay na humawak sa kanya.

Agad na lumipad sa hangin ang dalawang kamay na iyon pagkatapos ay nakarinig siya ng isang mahinang paghingi ulit ng paumanhin.

Moira's jaw was roughly seized and she was forced to look up to the face of her assailant.

Si Ichiro. Gone was the frost. In it's place is the fire that she has come to love so much. Too. Damned. Much. Yung init na alam niyang nakatago lang sa dibdib nito. Pero ngayon, ang init na matatagpuan sa mga mata nito ay galit. Nagliliyab na galit.

"Don't touch any of them Moira. Any of them." mariin nitong saad. "Sinasadya man o hindi sinasadya. Oras na may humawak sayo na kahit na sino, papatayin ko. I mean it, kahit na sino." he murmured with savagery near her ear. The hands holding her jaw transferred to her arms and she felt the sharp sting of his fingers as it dug in the soft flesh. "Naiintindihan mo ba?"

Napupuno na ng luha ang kanyang mga mata pero pinilit niya pa rin ang sarili na sumagot. Pinilit niya na huwag iparinig ang sakit sa kanyang boses dahil sa ginagawa nito. "I understand."

The moment that those words escaped her lips, agad siya nitong binitawan na para bang meron siyang nakakahawang sakit. Na para bang hindi nito kaya na hawakan kahit na aling parte ng katawan niya. Na parang diring-diri ito sa kanya.

Lalong napunit ang puso ni Moira dahil na nangyari. He's changed. And she can't even say that she blame him. Sino ba naman ang hindi magagalit kapag nalaman mong niloloko ka ng isang tao? Worst yet, kapag nalaman mong ang babae na iyon ay siya mismong nagbabalak na pumatay sayo?

"Good." bulong nito, again the distant stranger. Pakiramdam niya ay isa itong doctor habang siya naman ay isang organismo na sinusuri sa ilalim ng lente. All the time, she fought the urge to squirm where she was standing. And just like that organism, she was trapped with nowhere to go. Tapos nagulat siya ng bigla itong yumukod upang kunin ang baril na nabitawan niya kanina dahil sa saya ng makita ang mukha nito. He straightened, look at the weapon closely and weighed it in his hand.

Montereal Bastards 4: To Seduce A Bastard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon