Everyone's preparing for the teacher's day. Gaganapin iyon sa isang araw. Busy na ang lahat sa paggawa at pag-iisip ng ideya para sa gagawing Booth sa Event na iyon. Sa class B kasi na-assigned ang paggawa ng mga booth. ikinagalak iyon ni Renz, sa tingin niya nga ay pabor ang diyos sa gagawin niya. That celebration, specially the fair will make things fall into places more easier.
"How about you Lorenzo? May alam kabang magandang booth?" sabi ng isang admirer ni Renz sabay pa-cute naman nito sa kanya. Kanina pa nga ito panay ang tabi sa kanya, panay ang pa-cute, panay ang papansin. He glanced at her at nag-shrugged habang hindi manlang tinatanggal ang headset nito sa ulo. "Annoying creatures." Bulong nito habang nilalakasan pa ang volume ng headset.
Habang abala ang class B sa pag pe-prepare para sa mga booth, si Nathalie naman ay nasa class A. naka-assigned kasi ang buong program sa Class A at dahil si Victor ang class president, he will take care of everything. Hindi naman hahayaan ni Nathalie na mapagod ito kaya't mas inatupag na lamang niya ang pagtulong sa program.
Kahapon na yata ang pinaka masayang araw ni Nathalie sa piling ni Victor. Kahit nakalimutan kasi ni Nathalie ang tungkol doon, pinagbigyan siya nito. "I'll make this day memorable for you so that you'll never forget this day again, babe." Hindi niya makakalimutan ang sinabing 'yon ni Victor bago pa man siya bigyan ng isang napaka ganda at sayang araw.
Buong akala niya ay magiging worst ang araw na 'yun para sa kanilang dalawa, but Victor proved him wrong. That was the best day ever.
Matapos maayos nina Nathalie ang stage, tumaas na ulit ito sa class A para hanapin si Victor.
"Babe" hingal na hingal na sabi ni to kay Victor na dahilan para mapalingon ang binata. Agad naman itong tumayo at hinawakan ang kamay niya,
"Oh babe, tapos na ba yung pinagagawa ko sayo?"
She nodded, "Oo, grabe nakakapagod!" hingal paring sabi nito, "May ipagagawa ka pa ba?"
"Don't mind it, magpahinga ka na muna. I'll just call you later." Sabi ni Victor. Ngumiti pa ito sa kanya bago siya halikan sa pisngi. Sweet naman talaga dapat ang moment na 'yon pero hindi lang maintindihan ni Nathalie kung bakit siya nakaramdam ng disappointment dito.
Nangunot ang noo nito, "Hindi mo manlang ako ihahatid? Yun na yun?" hindi naman iyon dahil sa big deal para sa kanya ang maihatid sa kabilang building...pero ano yun? buong araw niyang tinulungan ang buong Class A para sa preparation pero hindi manlang siya maihatid nito pansamantala?
Victor took a deep breath as he glanced on her before putting his things on his bag. "Okay, ihahatid kita. Hintayin mo lang ako dito," ani Victor bago inilagay sa dulo ng room nila ang hindi pa tapos na ginagawa nito. hindi mapigilan ni Nathalie ang sarili, heto at nagtatampo na naman siya. kung minsan kasi ay pakiramdam niya hindi siya binibigyan ng importansya ni Victor.
Nanatili lang siyang tahimik habang nakakibit-balikat itong hinihintay si Victor.
"Halika na," halatang iritadong sabi ni Victor bago hatakin ang kamay niya.
Mabilis na inalis ni Nathalie ang kamay mula sa pagkakahawak nito, she frowned, "hindi kita pinipilit victor, kung ayaw mong ihatid ako, edi h'wag!" lingid sa kaalaman ni Nathalie, tumataas na ang boses niya which is bihirang mangyari sa pagitan nila ni Victor,
"Makakapunta naman ako sa room mag-isa, kung ayaw mo naman akong ihatid, sana sabihin mo! kung pagod ka na, okay just take a rest." Her voice broke pero hindi ito napansin ni Victor.
He glared at her. "Hindi ito ang tamang oras para makipag-away ka sakin Nathalie! Humanap ka ng ibang oras para mag-inarte!" pagsigaw na sabi rin nito. Alam niyang madalas niyang ipagmalaki sa lahat ng tao na halos na-kay Victor na ang lahat pero isa lang talaga ang ayaw niya rito, masyado kasi itong low tempered at madalas ay sinasabayan pa nito ang galit niya.

BINABASA MO ANG
Hypnotized (The man of Revenge)
Romance“Beware of some good looking guys around. Some of them might have the ability to hypnotize you."