Chapter 27

13.2K 247 7
                                    

Back to normal na ang lahat. Back to basic na. Finally, June na. Naamoy ko na ang palapit na pasukan. Di ko alam kung excited ba itong nararamdaman ko o di kaya kaba.

Ano kaya magaganap sa akin? Ano mangyayari sa akin? Di pa naman ako familiar sa school na papasukan ko.

Oo, may kaya kami. Di ko naman pinagsisigawan sa school na pinapasukan na mayaman ako at may company kami.

Simpleng tao lang ako... teka nga, bakit ganito ang sinasabi ko ang drama.

Kasi naman public school ang pinasukan ko noong high school ko ayan kasi ang hiniling ko kay mom.

gusto ko kasi maranasan kung ano ba ang ginagawa ng isang public student.

Noon Sasakyan ako pero nag-high school ako natuto ako sumakay ng jeep. Maka-amoy ng mabahong usok at madami pang iba.

nang dahil dyan ay nag-kita kami ulit ng mga childhood friend ko na laging tambay sa bahay namin para makita si kuya. Pero di naman nila nakita noon dahil lagi nasa kwarto nag-babasa ng libro. Pero nakita naman nila yung picture namin ni kuya. Sila anne at thea dahil laki sa yaman di ko inakala na same school ang papasukan namin, kahit hindi naman same school ang pinapasukan namin noong mga bata kami nag-kikita naman kami. Dahil ginusto namin ang sitwasyon sa public. Masaya parin kami kahit ang daming kaganapan.

grabe natatawa nalang ako, kapag naaalala ko ang mga panahon nag-kakilala kami.

Pero best memorable is nung grade 10 ako. Di ko inakala lalalim ang pag-hanga ko kay marco. since grade 8 kasi crush ko na yan. Napaka-misteryoso, mayabang?, habulin. Naku--- naalala ko nanaman yung may kahalikan siya pero okay lang sa akin, crush ko pa rin siya. Pero NOON yun, syempre iba na ngayon, nang-liligaw na siya kaya dapat lang mag-selos ako kung ano man ang makita ko na hindi maganda sa kanya.

Grabe talaga ang pagbabago ni marco, nandyan siya para i-ligtas ako. May sakit man o maulanan nandyan pa rin siya. aalagaan ka hanggang sa gumaling ka.

Pero nakaka-lungkot lang dahil nung valentine's day--- hindi siya ang first kiss ko. Si anne kasi pinaalala ang taong hindi ko naalala sa una pero nag-flashback naman lahat. Natatawa talaga ako sa hinalikan ako ang bata ko pa.

Oo nga pala, uuwi na siya dito. Anong gagawin ko. Mag- 'Hi' ba ako? I-hug? Mag-beso? Bigyan ng party? Ano? Di ko alam.

napahiga ako sa kama at napatingin ako sa window.

nag-iisip ng kung ano-ano.

haay... ang bilis ng panahon.

ang bilis-bilis ng panahon parang kailan lang graduate ako ng junior high school at nakakuha ng medals tapos ngayon senior high school na ako at tatanda nanaman ako ng isang taon.

Hahaha.. di ko alam kung nababaliw na ako sa kwarto.

di pa naman ako nakakain ngayon.

bahala na si batman. Basta ang sa akin lang kailangan ko lang harapin kung anong pagsubok ang mangyayari sa akin.

Ang lakas kasi ng kutob ko na may masamang mang-yayari sa akin. Feeling ko first day of school may mga mean girls. Walang ginawa kundi mang-bully. Pero syempre feeling ko lang naman yun, wala naman sa libro ang buhay ko para malaman ang next chapter na magaganap sa akin.

*Tok Tok*

"Akesha, may bisita ka?"

"Sino po, yaya lucing?"

napa-bangon ako sa kama.

"Surprise daw!"

"Sege po, lalabas na po ako. Paki-sabi saglit lang"

"Sege po."

sino naman ang bisita?

lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba patungo kusina. nauuhaw ako.

"Hmm.. Yaya lucing si kuya?"

"Umalis, kaninang madaling araw. Sasamahan mama mo!"

"Ah... ganun po ba? Eh, sino naman bisita ko?"

"Di ka pa pumunta dun? Mukhang aalis nga kayo at ikaw naka-pambahay."

"Huh? Aalis sino... ako?"

"Naku, puntahan mo na baka mainip sayang ang kagwapuhan nun'."

"Yaya lucing naman."

at tumungo na ako sa sala.

"Hi... Let's Date"

Grabe, di ko akalain na ganito siya. Parang nag-slow motion ang lahat. Di ko alam kinikilig ako. Napatulala ako sa kagwapuhan niya. Ibang-Iba kasi ang awra niya. Napaka-Inosente niya sa suot niya at elegante pero narealize ko ang itsura ko. Nakakahiya.

The Gangster's Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon