Prologue

164 10 11
                                    

A/N: Italics are flashbacks :)

Summer (15)

Padabog 'kong dinala yung luggage namin ni nanay at bumaba na ng barko.

Dinala kami ng barkong iyon sa isla na pagmamay-ari namin at natatanging kaming mga Kang lang ang pwedeng makapunta.

Oo mayaman kami, kilala ang pamilya namin dahil sa negosyo at dahil na rin sa magandahang lahi namin.

Lahat ng Kangs ay perpekto, sabi nga nila. Lahat ay successful sa buhay, may sariling lupa at higit pa sa lahat, bukod tangi ang itsura.

Napa-ismid na lang ako nang makita ko ang bahay na kinalakihan ko nung bata pa ako. Naalala ko lahat, pati yung papa kahit iniwan niya na kami.
Ayoko nang aalalahanin ang dahilan kung bakit.

"Seulgi!" Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon at nakita ko yung kababata kong si Irene.

Hindi nga pala siya 'Kang' pero nagmula siya sa angkan ng mga Baes na kasyoso naman namin sa negosyo ng pamilya ko.

Pinagmasdan ko siya ng maigi at napansin kong ang laki ng pinagbago niya. Kung nung bata kami ay may pagka-chubby siya, ngayon kahit mura niyang edad makikita mo na yung korte ng katawan niya. Lalo rin siyang gumanda, yung mata niyang agaw pansin dahil sa pagkaka-hugis nito, yung ilong niyang napakatangos at yung labi niyang mapula.

Ang ganda ganda niya talaga, nakakagulat nga at hindi siya Kang na kagaya ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That One Summer // seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon