Wag mo silang iiwan gaya ng gagawin ko.
Sabi nya.
Hindi ko bigla alam ang magiging reaksyon ko dahil kanina lang ay nag kausap narin kami ni Daemon tungkol dito at mag kasalungat sila ng sinasabi sa akin.
At dahil dun ay nahihirapan ako.Uy babae. Nakikinig ka ba?
Napatingin ako kay Alexus na nag aantay pala ng sagot ko.
Hindi ko napansin na napalalim ang iniisip ko dahil sa sinabi nya.
Pero bago ako sumagot sa kanya, ano nga ba?
Mangangako ba ako? O sasabihin kong hindi ko magagawa yung hinihiling nya?Riley. Ano?
Tanong nya sa akin.
Wala akong nagawa kundi ang tumango sa kanya na nakatingin sa akin.S-sige.
Sagot ko sa kanya saka ako ngumiti.
Hindi ako alam kung kaya ko yung panindigan, pero ayoko naman na madismaya sya ngayon sakin lalo na at ngayon lang sya humiling ng ganun.
Noon ay hiniling nyang itago namin ang sekreto nya ng pag puntang canada pero hindi yun nanatiling sekreto dahil nalaman din ni Daemon.
At ang nakakainis, ako pa ang sinisi.Promise?
Tanong pa ni Alexus.
Napapikit ako habang nakayuko.
Bakit ba kayo sa bawat favor na hinihingi ng isang tao lagi pang dinudugtungan ng "Promise?"
Hindi ba pwedeng pag pumayag okey na?
Itinaas ko nalang ang aking kanang kamay bilang pag sasabi ng pangako nang hindi manlang lumilingon sa kanya.Lumangitngit ang couch at napatingin ako kay Alexus na nakaupo doon.
Tumayo na sya at pinag pag ang kanyang damit saka bumulsa at lumapit sa akin.Ang usapan ay usapan ha. Subukan mong hindi tuparin ang pangako mo, hinding hindi na kami mag papapasok ng Forteza sa mansion.
Kahit mag makaawa ka pa para mag trabaho o kahit ang mga anak at apo mo ay hindi na pwedeng mag silbi sa aming pamilya.Tinignan ko lang sya habang yamot na yamot akong nakikinig sa pananakot nyang hindi manlang ako makaramdam kahit kilabot manlang.
Yumuko pa sya at tumingin ng diretso sa aking mga mata.Nakadipende sa'yo ang magiging kapalaran ng angkan mo. Dadalhin natin 'to hanggang sa newest generation mula sa history, which is ngayon paglipas ng panahon.
Kaya umayos ka Riley.Sabi nya pa.
Hindi na ako nag rereact sa mga sinasabi nya dahil nakakatamad syang pakinggan.
Lagi nalang nag sasalita ng ganun, eh hindi naman ako gaya ng ibang mga babae jan na kung makareact ay parang shock na shock sa mga nangyayari kahit na hindi naman nila naiintindihan.Napabuntong hininga sya matapos nyang mag salita, siguro ay nag eexpect yun ng sasabihin ko pero wala, wala akong plano para sagutin pa sya.
Sige na. Aalis na ko basta tandaan mo yung sinabi ko sa'yo.
At isa pa, may CCTV dito kaya wala kang lusot sa mga pinag sasabi mo. Huh! Napaka galing ko talaga.Mayabang nya pang sabi saka mayabang na lumabas ng kwarto.
Hindi ko sya inimik pero biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabk nya.May CCTV?
kusang lumibot ang paningin ko sa paligid.
Anak ng Sheep. Bakit di ko agad nakita?
Merong naka install na isang CCTV sa taas ng cabinet at malaki ito.
Siguro hindi napansin dahil narin sa mala-optical illusion na itsura nito na nahalo sa design ng cabinet at dahil narin sa taas nito.Nakita nito lahat.
Kung paano ako mag wala, umiyak at lalong lalo na ang pag tulog ko ng katabi si Bryon dito nung unang araw.
Bigla akong namulta at kinabahan.
Sana wag sabihin ni Tracer o kung sino man ang may hawak ng CCTV ang nakita nya dito sa kwarto ko.
Mabuti nalang at hindi ako dito nag bibihis.
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romansa#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...