Game 1

371 6 1
                                    

29 May, 20xx

0229H

     ''Sky King, kaya pala... *cough* bagay nga talaga sayo ang pangalan... *cough* mo... kasi malakas ka talaga... *cough* bagay ka maging hari...'' taong duguan at nakadapa, aabutin pa sana niya ng kamay ang taong tinutukoy.

     Nakatayo ito sa kanyang harapan. Isang lalaking parang mukhang Elven prince ang mukha. Royal blue ang kulay ng mahaba niyang buhok na tinalian lang sa dulo. Malamig makatitig ang kanyang mga mata. Walang ekspresyon ang mukha. Biglang tatalikod at itinaas ang nakalahad na palad sa kalangitan. Nangitim ang langit. Nagkumpulan ang mga maiitim na ulap sa himpapawid. Lumiwanag ang guhit ng magic circle na nasa ibabaw ng lalaking nakadapa.

     Umiyak ang lalaking duguan sa lupa. Nagmamakaawa. ''Patawarin mo na ako Sky King, di ko naman alam na ikaw pala yan. Akala ko kasi ibang tao ka. Huwag kang mag-alala di ko sasabihin sa ibang player ang tungkol sayo kaya nakikiusa-''.

     ''THUNDER BOLT!!'' bigkas-sigaw ni Sky King. Lumabas ang kumpol ng mga kidlat at kulog mula sa gumuhit na magic circle sa langit. Tumama ang mga ito sa taong nakadapa. Humalo sa ingay ng kulog ang iyak ng taong nakadapa. Tumagal ang epekto ng spell ng 30 segundo hanggang sa natusta at naging abo ang bangkay ng lalaki.

     ''Yan ang nababagay sa mga taong di marunong kumilala ng magiging kalaban. Uunahan mo pa ako ah. Tsk tsk tsk... akala mo kasi kaya mo ako. Ako na si Sky King.'' sabi niya ng pagyayabang. ''Hahaha...hahaha...'' nangibabaw ang lakas ng halakhak ni Sky King. Ngayon tumatawa siya habang hawak ng isang kamay niya ang kanyang noo. Larawan siya ng isang masayang demonyo na parang nakahakot ng maraming kaluluwang susunugin sa impyerno.

     ''Wala pang ipinanganak na tatalo sa akin.'' bigkas niya sabay talikod. Isinuot niya ang hood sa kanyang ulo. Aakmang aalis ng nag-vibrate cellphone niya sa bulsa. Kinuha niya ito at binasa ang text.

     ''Congratulations player: Sky King. You had won your 25th battle. This is also a notification that we had added $10,000 USD in your account. You can withdraw it anytime this day.-from: ANINO Online''

     ANINO Online, isang bagong laro ng makabagong panahon pero di ito legal. Paano naman kasi buhay mo ang ipupusta mo rito kapag sumali ka. Piling pili lang ang mga players na naglalaro dito. Mismo ang Game Master/Creator nito ang pumipili sa mga natatanging manlalaro na puwedeng sumali sa larong death match na ito. Ang GM nito ay isang pinoy pero naka-base sa parteng America pero walang nakakaalam kung sino siya at saan eksaktong address niya. Kailangan lang ay patayin mo lahat ng mga 1000 players na napili ng GM. Ang mga players ay nanggagaling sa ibat ibang panig ng daigdig.

     May mga batas na sinusunod sa larong ito kapag napili ka. Una, bawal ipaalam sa kahit kanino ang tungkol sa laro. Pangalawa, kailangang patayin sa anong paraang maibigan mo ang magiging kalaban mo. Pangatlo, may specific time, day at place ang mga bawat laban. Pang-apat, solo ang laban kaya bawal tulungan ng ibang players ang kahit sinumang player. Kapag sumuway sila sa mga itinakbang alituntunin ng laro ay disqualified automatically sila at papatayin. Ang premyo sa bawat laro ay $10 000USD. Ang taong makatalo sa lahat ng players ay tatanggapin ang Ultimate Elixir.

     Ang Ultimate Elixir, ito iyong inumin ng mga pinaghalo-halong sangkap na nagbibigay sa kung sinumang iinom nito ng Immortality, Eternal Youth, Eternal Strength, Power at Intelligence. Kaya marami ang di tumatangging maging player ng larong ANINO Online.

     Ang mga players ay kalayaang mamili sa mga class at race na kanilang maibigan. Ang mga race na puwede mong magpipilian ay ang sumusunod: Angel, Demon, Human, Elven at Human. Ang mga class na puwede mong kunin ay ang mga sumusunod: Magician, Swordman, Fist Fighter, Sniper at Tamer. Walang leveling dito. Guts, fighting spirit, physical strength at strategical intelligence lang ang kailangan para manalo sa lahat ng laban.

     ''tch..'' sabay lagay ng cellphone sa bulsa. ''Ginagawa niyo lang namang laruan mga buhay naming mga players.'' bulong niya sa sarili. ''Makauwi na nga lang at makatulog na. May pasok pa ako mamayang umaga. Wala namang kagana-ganang kalabanin iyon.'' dagdag pa niya habang pumikit siya at nag-teleport papuntang bahay nila.

     Lumilinga-linga siya sa bawat sulok ng kwarto niya. Walang tao. Lumapit siya sa pinto at pinihit ang doorknob nito. Sumilip siya sa awang ng pinto para tiyaking wala ng taong gising sa bahay nila. Lumuwag ang paghinga niya kasi wala na siyang nakitang taong pakalat kalat pa ng mga oras na iyon. Sinarado na niya ulit iyong pinto.

     ''ANINO!! bulong niya. Umilaw ang marka sa kanyang dibdib, sa may tapat ng kanyang puso. Sa isang iglap nagbago ang suot niya. Bumalik siya sa normal niyang anyo at pananamit. Humarap siya sa salamin, tiningnan niya ang marka at sinalat ito ng kanyang kanang kamay. Hanggang ngayon namamangha pa rin siya porma ng marka niyang iyon, parang hugis number 4. Napangiti siya ng konti at tumungo na siya sa kanyang kama. Binagsak na niya ang kanyang sarili sa kama at ipinikit ang kanyang mga mata. Maya-maya lang nakatulog na siya.

AniOn (Anino Online)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon