Mia's POV
Ngayon na ililibing si tita. Pero di pa rin ako makapaniwala na ganun ganun nalang siya gumive up. Leche yung gumawa nito kay tita eh. Humanda talaga yung lalaking yun. Pinatay niya na sila mama at papa. Ngayon si tita naman. T_T nananadya siya eh T_T wala na akong pamilya ngayong malalapitan T_T
Pero nagbilin daw si tita ng savings para sa akin. Ba't niya pa yun ginawa? T_T
Di ko kayang mamaalam kay tita T_T pilitin ko man o hindi, di talaga mapigilan ng mga luha ko na tumulo.
---
*After 3 Days*Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari this few days.
"Halika may pupuntahan tayo." Sabi ni Chris at hinila naman ako. Wala ako sa mood para sumama pero sumama nalang din ako.
Tahimik lang kami habang nasa byahe. Yung tipong parang wala lang. Pero nasa isip ko pa rin yung pagkamatay ni tita.
Sabi nung police officer na wala dawng mga evidence daw talaga eh. Kahit foit or finger print eh. Tss! Humanda talaga sa akin yung lalaking yun! Im 100% sure na yung pumatay sa parents ko, ay yun din ang pumatay kay tita.
Nasa park kami ngayon. Nasa harapan ng fountain. Di naman to malayo talaga sa school namin eh. Pero yung bahay namin ay malayo talaga sa park na to.
"Make a wish." Sabi ni Chris at nagbigay ng coin.
Pinikit ko nalang ang mga mata ko at yun nga. Nagwish ako.
Na sana okay lang si tita kung saan man siya at sana gabayan niya ako. Pero wag naman sana siya magpakita ng basta basta. Nakakatakot kaya.
"What's your wish?" Tanong nito pagkabuka ng mga mata ko. Palagi talaga siyang curious ah.
"Alam mo na yun." Sabi ko at tumalikod na para pumunta sa sasakyan.
Nagulat naman ako nung bigla niya akong hinila pabalik sa kanya at niyakap.
"Everything will be okay." Sabi niya at mas hinigpit pa ang pagkaka-yakap sa akin. Buti nalang may boyfriend akong ganito. Cino-comfort niya ako sa tuwing malungkot ako.
"Ang swerte ko naman. May boyfriend talaga akong caring." Sabi ko sa kanya at bumitaw na sa pagkakayakap niya.
"Ganun talaga. Baby kita eh." Sabi nito at pinisil pa ang pisngi ko. Nakakairita talaga yang baby niya ah. Tsaka ang sakit niya pumisil ng pisngi ah. Di naman siguro ako very cute noh? Tss!
"Aray! Ang sakit ah! Uwi na nga tayo!" Sabi ko naman. Binitawan naman niya ang pisngi ko at niyakap nanaman ako. Aba! Di kaya ako unan para yakapin niya ng napakahigpit. But I feel better. Mas gusto kong ganito nalang.
"May pupuntahan pa tayo!" Sabi naman niya. Tss. Saan nanaman kaya? Swerte siya, half day lang kami ngayon kasi may meeting ang lahat na teachers namin.
"Basta! Halika na!" Sabi nito at hinila niya ako papuntang sasakyan niya.
---
*Beach*"Bakit nandito tayo?" Tanong ko sa kanya. Tss. Malayo na tong pinuntahan namin ah. Baka ire-rape ako nito. Haha joke lang!
"Hhmmnn wala lang. Gusto lang kitang i-sama dito." Sabi nito at hinawakan ang kamay ko at naglakad lakad. Tss! Alam ko na to eh! Nakita ko na to sa mga K-Dramas haha!
"Humiga nga tayo!" Sabi niya at sabay naman kaming humiga. Hayyy... Nakakagaan to sa pakiramdam ah. Pero ba't parang seryoso siya? Haha!
"Kung ikakasal tayo saan mo gusto? Sa beach? Church or garden?" Tanong nito. Wow ha! Lumalabas tuloy ang pagka-excited niya hahaha. Tsaka bakit niya yun natanong? Malayo pa naman yang mangyari ah.
"Dipende." Tipid kong sinabi. Nyahaha! Ayaw ko kayang magsalita ng tapos. Gusto ko naman ikasal sa beach eh pero mas gusto ko talaga sa church ikasal. Pwede ring sa garden.
"Halika!" Sabi niya sabay tumayo ito at naglakad papunta sa tubig. Dont tell me maliligo siya sa dagat? Wala kaya siyang extra na susuotin.
"Hoi! Saan tayo pupunta?" Sigaw ko sa kanya. Huhu! Papunta na kami ng tubig eh. Baka malamig yung tubig.
"Ho--hoi!" Dagdag ko pa. Nakooo! Huhu! Di naman malamig ang tubig pero di ako marunong lumangoy eh. Taksil ka Chris! Huhu!
"Wala tayong dalang extra Chris!" Sabi ko pa sa kanya. Bakit parang wala siya sa sarili niya ha? Sinapian na ba siya?
Gosh! Baka nasapian siya ng bad spirit tapos ilulunod ako >_< Huhu! Gustong-gusto ko ng sumigaw ng tulong eh.
"Kahit malulunod na tayo... Will you still stay in my side?" Sabi nito at napa-smile naman ako. Kahit kailan talaga may pagkatupakin takaga ako eh hahaha! Gaga ka Mia! Wag kang tumawa! Tsaka di to ang time para humugot si Chris haha
"Malamang! Oo! Ikaw?" Sabi ko naman. Mia! Wag kang magpahalata na kinikilig ka! Tengene! Ba't ba kasi ako pinapakilig nitong lalaking to?
"Yes... I do." Sabi nito. Nagpa-practice ba siya para sa kasal namin? Grabe! Excited talaga siya eh.
Napasmile naman niya ako. Ehhh! Weg genyen Chris. Hihi!
Di nagtagal ay umahon na rin kami galing sa tubig ay nagdecide ng umuwi na.
---
Nasa gate na kami ngayon. Na-park na din ni Chris ang sasakyan niya. Basa pa rin kami T_T huhu! Walang bang blower dyan? Taksil tong si Chris eh!
"Mia! Chris! Maghapon kayong wala ah!" Sigaw kaagad ni Clarisse. Luhh? Hinihintay nila pala kami. Baka magkakaalaman na. Tss! Sila lahat naghihintay eh! Sila Clarisse, Michael, Daryll at Dan.
"Ba--bakit kayo basa?" Taning ni Daryll. Lagot ka Chris! Ikaw yung mag-explain! Nagpalusot ka! Taksil ka eh! Langhiya!
"Ammnn... Di naman kami magkasama talaga eh. Tsaka ahh... Umuulan sa pinuntahan ko!" Palusot ko naman. Uubra naman siguro to noh?
"Ammnn ako naman... Nasa pool ako kanina eh. Then nahulog ako habang lini-linis yung pool." Palusot naman ni Chris. Uubra to! For sure!
Fudge! Bakit ba kasi sumama pa ako kay Chris? Pero okay lang din naman yun ah! It's a relationship goal eh haha! Tsaka masaya nga ako eh. Yun ngalang naligo kami sa dagat ng wala sa oras.
Ehhh! Ito kasing si Chris eh huhu! Pasalamat siya! Mahal ko siya! Hihi ^O^
"Ahh... Halika na Mia!" Sabi nitong si Clarisse at hinila naman ako papuntang room namin. Malapit na rin kasi kami kakain ng dinner eh.
Huhu! Sorry talaga Clarisse! Di ko talaga pwedeng sabihin ang totoo eh.
---
"Bakit ka nakasmile?" Tanong ni Clarisse. Ayy haha! Nakangiti pala ako? Nasobrahan sa saya eh! Naka-move on na.
Pero di ko naman kakalimutan si tita. Love ko kaya yun hihi!
"Di pwedeng masaya lang?" Sabi ko naman. Di lang talaga ako maka-get over kanina eh hihi. Yun ngalang. Naiirita ako sa BABY niya potek.
"Masaya ka pa talaga ah kahit inulan ka." Sabi naman nito. KJ siya ah! Masaya lang talaga aki eh! Hihi!
Pero to be honest, pino-problema ko pa rin yung case ni tita eh.
Wala kasing hiya yung gunawa sa kanya nito. Tengene naman.
