BestFriend
by: AkiGreen
Ewan!!! Mixed emotions!!! Nahihiya...naiilang...kinakabahan...natatakot...pero SOBRANG SAYA!
#######~
David's POV
"Oo BBF, diba Glenn?" nasaktan naman ako dun dude. 'de sila na masaya mag-usap ng Glenn na yun. Si Mincee yan. Bestfriend ko na Mahal na mahal ko hindi bilang bestfriend. Oo mas malalim pa don.
Tumango nalang ako sa kanya at binigyan siya ng masayang ngiti. Ang ganda niya talaga lalo na kapag tuwang tuwa. Sa lahat kasi ng babaeng nakilala ko na. Siya lang ang alam kong may ganyang ngiti. Wala ibang tao ang kayang gumawa ng ngiting ginagawa niya ngayon.
Masaya ako dahil masaya siya. Kahit na nasasaktan ako dahil sa Glenn na yan. Wala naman akong karapatang magselos. Ano ba niya ko? Bestfriend lang ako. Nothing more. Nothing less.
Pero alam niya. Alam niyang gusto ko siya. Alam niya dahil sinabi ko sa kanya. At alam niyo reaksyon niya? Wala. Hindi nagbago samahan namin. Diba, yung iba kapag nagkaaminan na, nagkakailangan na? Kami hindi. Hindi siya nailang sa'kin, bagkus, mas lalo pa kaming naging malapit.
Alam ko namang wala syang gusto sa akin. Kaya hindi siya matatawag na pa-fall. Alam ko kasing may puwang pa sa puso niya yung gagu niyang ex na nakipagbreak sa kanya ng walang dahilan. Alam ko lahat, lahat lahat ng tungkol sa kanya. Lahat lahat, dahil ako ang kwentuhan, iyakan, labasan ng sama ng loob niya.Minsan hinahawakan ko lang ang kamay niya para gumaan ang loob niya. Ayoko nga sanang bitiwan kahit saglit kaso baka sabihin niya, taking advantage ako.
Masaya na ako doon. Kahit na... hanggang doon lang talaga kami.. kahit hanggang... mag-BestFriends Forever lang kami.
Nagkakilala kami sa church namin. Pareho kasi kaming maka-dyos. Haha. Lalo kami naging magkasundo ng sumali kami sa samahang PNK. (basta samahan yan.)
Madami din kaming naging kaibigan. Si Janica, Joyce, Jacob, Eanna, Ezra, Iboy, Reylyn, Kim, Glenn... ayun basta madami pa. :)
***
"Kiss. Kiss. " sigaw naming lahat dito sa jeep. Si ate B kasi saka Si kuya Z magkasintahan 'e tinutukso namin. Sa pangunguna ni Mincee. Ayan na naman siya. Ang ganda niya lalo kapag masaya.
"Wuuu 'e kayong dalawa ni David din!" sabi ni kuya Z. Napatingin lang sakin si Mincee saka kami nagtawanan. Sanay na kami sa pang-aasar nila samin. Alam din naman kasi ng iba na may gusto ako sa kanya. Buti nga hindi siya naiilang.
"'Sige na kiss na kayo." sabi ni Mincee sa dalawa. "Pagtapos niyong magkakiss, sasagutin ko na si BBF." natawa nalang ako sa sinabi niya. Malakas loob niya dahil alam nyang hindi naman magkikiss yung dalawa. At isa pa, hindi naman ako nanliligaw sa kanya.
Pero nagulat kaming lahat ng.... nag-smack sila ate B at kuya Z!
***
Kahit na lalaki ako, kinikilig din ako. Oo aaminin ko, umaasa ako na sana totoo yung sinabi niya kanina sa jeep.
Pero parang malabo. Hindi na kasi niya ako kinausap pagbaba namin sa jeep. Aw. Oo na, alam ko naman... saka nasabi lang naman niya yun kasi akala niya hindi tototohanin nila ate at kuya diba.
Psh. Hindi ako makatulog! Hindi din kasi niya ako tinitext. Eto na ba ang simula ng ilangan namin?
Hindi pwede!
Kaya ako nalang ang magtitext! Kinamusta ko kung anong feeling niya kanina sa pinuntahan namin.
*toottoot*
BINABASA MO ANG
Bestfriend (One Shot)
RomanceBakit nga ba ayokong mafall at mainlove sayo?? TAKOT,takot na masaktan ulit. Na umiyak. Na maloko. Na magago...na mag-isa. Na mawala na yung effort kapag umamin na kong mahal kita.Na magpakatanga...na maiwan. Lalo pa kung sayo..