How A Mother Loves her Daughters

100 2 0
                                    

“sophie, gumising ka na dyan. Tanghali na aba! Mamalengke ka muna” –sabi ng mama ko.

Grrrr….. ang aga pa eh. Tsk. Its Saturday, kala ko pa naman makakapagpahina ako ngayon.

‘kakainis….’ –sa isip ko.

“bat di na lang si ate?!” sagot ko.

“aba! Ang ate mo na nga ang magluluto eh! Anong gagawin mo? taga-kain lang?” –mama

‘eh ikaw anaong gagawin mo? tsk!!!’ –sa isip ko.

“oo na. saglit lang!” then bumangon na ako.

“ayusin mo yang pananalita mo sa akin huh?! bilisan mo na at lumabas ka na!” then umalis na si mama. Pagkatalikod nya ay inirapan ko na lang sya at isinara padabog yung pinto. At padabog na inayos yung kama ko.

Pagkalabas ko ay bumungad na sa akin si mama.

“anog ginawa mo kakanina? Nagdabog ka nanaman ba huh?!” –mama

‘obvious ba?’

“hindi po. Napalakas lang.” sagot ko. Binatukan naman ako ni mama.

“at magsisinungaling ka pa huh?! kahit kelan talaga wala kang respeto sa akin!” sigaw ni mama.

‘kakainis naman oh. Center of attraction na naman kami ng mga kapitbahay namin sa labas. Bw!$et!’

“ma, tama na po yan.” –ate

“eh bastos na itong kapatid mo eh! Lagi na lang yang ganyan!”

“maayos naman yung Sinagot ko ah!” –sabi kio.

“aba! Gusto mong paduguin ko yang bunganga mo huh?! kapal ng mukha mo! kaya mo na ba ang sarili mo huh?” –mama.

Di ako sumagot pero sa sobrang gigil ni mama ay sinabunutan nya ako at pinagkukurot.

“ma tama na po.” –ate. Nakinig naman si mama kay ate at tinigilan na ako.

“ngayon, bumili ka sa palengke ng ganyan ang itsura mo!”

“ma naman eh!”

“hoy! Tigilan mo ako. Lumabas ka na o kakaladkarin kita?!” –mama.

Wala akong nagawa at lumabas ako na magulo ang buhok. At syempre bulungan na naman yung mga kapitbahay namin.

Habang naglalakad ako ay inaayos ko yung buhok ko. At sa totoo lang ay medyo naiiyak na ako. Nakakasawa na kasi ang trato sa akin ni mama. Lagi na lang ako. Pero sanay na ako sa pamamalo at pananabunot nya.

Minsan nga ay gusto ko nang maglayas. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko pa kaya. Kaya nagiipon ako para doon.

Nang makabalik ako sa bahay ay nilapag ko agad yung pinamili ko sa kusina.

“nasaan si mama?” tanong ko kay ate.

“nasa kwarto. Alam mo bang gigil na gigil na naman sa iyo si mama. Kahit kelan talaga wala kang respeto!” –ate

“kaya mo nasasabi yan kasi iba ang pagigitungo sayo ni mama!” sabi ko.

“anong iba? Parehas tayong mahal ni mama. Nagkataon lang magkaiba tayo ng ugali! At kung gusto mong maging close kay mama sana naman wag mo syang suwayin. At yang pagiging maldita mo ay wag mong gamitin kay mama!” –ate.

“sus, kahit anong sabihin mo ay ikaw lang ang favorite ni mama. Lagi kang exempted sa gawaing bahay! Lagi na lang ako! Ako pa lagi ang pinapalo! Kaya kung gusto mong sabihin na ako ang dapat magbago ay nagkakamali ka. Mas matanda si mama, dapat alam nya yung dapat gawin. Pati dapat wala syang pinapaboran sa atin noh! Hindi yung lagi na lang ikaw!” sabi ko. Then tumalikod na ako at pumasok sa kwarto ko.

---

May pasok na kami ngayon, actually nasa room na ako. Tsk. At napaka walang kwenta naman yung mga pinagsasasabi nung matandang hukluban na kakanina pa salita ng salita sa harap ng board namin. Tsk. Wala naman akong maintindihan sa teacher na yan.

“amboring naman ng hukluban na yan” bulong ko kay Amy (kaibigan ko)

“sinabi mo pa. tsk.”

“mamaya, saan ang lakad natin?”

“anong lakad ka dyan? Eh diba grounded ka?”

“ano ba! hindi noh!”

“eh sus. narinig nila mama sa kapitbahay na pinapagalitan ka nanaman daw ng mama mo. tsk. Sinabunutan ka na naman daw. Maldita ka kasi eh!”

“and so what?! Grabe umaabot na sa inyo yung balita huh?”

“lagi naman noh! Tsaka limang bahay lang ang pagitan natin noh! Eh ang boses ng mga nanay natin ay abot sa ibang baranggay.”

“sinabi mo pa. lalo naman yung nanay ko noh!”

“nga pala mabalik tayo sa usapan natin kakanina.”

“ah, yung lakad natin mamaya? Eh kasi naman nagsabi ako kay mama na may group project. So pinayagan nya ako. Humingi pa nga ako ng 150 eh!”

“eh? Binigyan ka naman?”

“oo.  Tsk. Uto-uto naman kasi si mama eh.”

“ayos ahh!”

“oh, sabihan mo na sila joseph at luke! Gala tayo mamaya!”

“geh ba!”

---

7:50

Sa wakas ay nakauwi na kami ni Amy. Pagkapasok ko sa bahay namin ay bumungad agad sa akin si mama.

‘oh, bat ganito na naman yung itsura nito? Bat parang mangangain?’

“saan ka galing?” –mama

“sa group project ho. Di ba nagpaalam naman ako?”

“oo nga paalam ka! Pero bakit ka magsinungaling?!”

“h-hoh?”

“pumunta ako kakanina sa school nyo! Para dalhan ka nang miryenda at nalaman ko na wala naman kayo project sa kahit na anong subject at sinabing umalis agad kayo kasama ang mga barkada mo!”

This time ay umiyak na ako.

“kahit kelan ka talaga!” bigla na lang ako siunabunutan ni mama. At pinag sisipa ako.

“ma, tama na po yan. Sa loob na po tayo.” –ate.

Huminto naman si mama at pumasok.

“sumunod ka rito!!!!” –mama.

Pumasok di ako at bigla akong pinalo ng kahoy ng walis tambo sa likuran ng hita ko at piangkukurot ako at kung anu-ano pa.

--

Di ko alam kung anong oras ako tinigilan ni mama. Sa ngayon ay nasa kwarto ako. Naiyak.

Grabe yung galit sa akin ni mama ngayon. Di nya ako pinakain ng hapunan kasi for sure daw ay ginastos ko yung pera sa pagbili ng kung anu-ano.

Sa ngayon sila mama at ate ay nasa sala. Naririnig ko silang nag-uusap pero di ko maintindihan.

How A Mother Loves her DaughtersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon