ANS-17

181 31 55
                                    

"No! You can't do that, Larkin! You can't kill her! Ako... ako na lang ang patayin mo. Huwag si Tina!" nagmamakaawang sigaw ni Zachary kay Larkin habang namimilipit sa sobrang sakit na nararamdaman dahil sa natamong mga tama ng bala na tumama sa dalawang paa nito.

"Puwede ko kayong pataying dalawa! Gusto niyong magkasama habang-buhay, hindi ba? Matutupad ang gusto niyo! Mamamatay kayong dalawa ngayon!" Agad nitong itinutok ang baril sa direksiyon ni Kristina.

" No! No! No!" sigaw ni Zachary na puno ng takot. Gusto niyang tumayo at sugurin ng yakap si Tina para protektahan mula kay Larkin.

"Zach, mahal kita. Mahal na mahal kita..." Lumuluhang sabi ni Kristina habang nakatingin sa nobyo na pinipilit ang sarili na makatayo.

"That's bullshit! Magsama kayong dalawa!" Sigaw ni Larkin na puno ng galit. Nakuha nitong tumawa na parang isang demonyo at pinanlisikan siya ng mga mata. Mukha na itong demonyo sa paningin niya.

Pumailanlang ang isang malakas na putok mula sa baril nitong hawak. Ipinikit ni Tina ang kanyang mga mata, inaasahan na niya ang balang tatama sa katawan niya. Pero bago pa tumama ito sa kanya, mahigpit na yakap ni Zachary ang naramdaman niya.

"I love you so much, baby..." Narinig niyang sinabi ni Zachary. Nanginig ang buong katawan niya nang sa pagmulat niya ay nakita niyang may mga dugong lumalabas sa bibig ni Zach. Tila ba hinahabol nito ang kanyang paghinga. Ngumiti ito sa kanya at dahan-dahan na hinaplos ang mukha niya.

"You can't leave me! Hindi mo puwedeng gawin sa'kin ito, baby! Huwag! Huwag kang pumikit! Please!" Sigaw ni Tina na humagulgol.

"Kailangan mong mabuhay, baby ko. Para sa magiging baby natin... Mahal kita sob---" Muli ay nagpaulan ng mga bala si Larkin at lahat ng ito ay tumama sa likod ni Zachary.

"No! No! Zachary, gumising ka! Idilat mo mga mata mo, baby! Gumising ka!" Puno na ng mga dugo ang suot nilang dalawa. Lumuwang ang pagkakahawak ni Zach sa kanya at tuluyan itong nawalan ng lakas. Niyakap ni Kristina nang mahigpit si Zachary.

"Bakit? Bakit mo ako iniwan? Hindi ko kaya baby..." Halos hindi na siya makahinga dahil naninikip ang dibdib niya.

"Zach... Zach... Huwag mo akong iwan," sambit niya sa pangalan ng pinakamamahal niyang lalaki. Nanunuyo ang kanyang lalamunan at halos hindi rin siya makahinga nang maayos. Makikita sa kanyang mukha ang takot na para bang iiwanan ito ng isang napaka-importanteng tao. Puno rin ng mga luha ang kanyang mga mata.

"Sweetheart, andito lang kami... Gumising ka na." Naramdaman niya ang mainit na palad na humawak sa kanyang kamay. Gusto niyang marinig ang boses ng mahal niya. Gusto niyang maramdaman ang paghawak nito sa kanya.

"Honey, andito kami ng Mommy mo. Open your eyes, honey." Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang luhaang mga mata nang marinig ang boses ng Daddy niya at dampian nito ng halik ang kanyang noo. 

"Dad... My..." rumaragasa ang luha sa kanyang mga mata nang masilayan ang mukha ng kanyang mga magulang. Luhaan ang mga mata ng mga ito pero makikita sa kanilang mukha ang kasiyahan. Ang kaligayahang nararamdaman dahil sa wakas ay nagising na siya.

"Salamat at gising ka na, anak." Niyakap siya nang mahigpit ng Mommy niya. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang dalawang braso para yakapin din ang kanyang ina.

"Mommy... Si Zach? Nasaan si Zach? Gusto ko po siyang makita... Daddy," tiningnan niya ang kanyang Ama. Hinawakan nito ang kanyang kamay na nakayakap sa Mommy niya.

"Sweetheart, kailangan mo munang bumawi ng iyong lakas. Nasa mabuting kalagayan na si Zach at nasa kabilang kuwarto lang siya't binabantayan ng kapatid niya." Hinaplos ng Daddy niya ang kanyang braso. Nabuhayan siya ng loob nang malaman nasa maayos na kalagayan si Zach pero agad din na napawi iyon nang maalala niya ang nangyari.

Kumalas siya ng yakap sa kanyang ina at agad na hinawakan ang kanyang tiyan. Doon din napatingin ang kanyang mga magulang.

"Mommy, sabihin niyo po sa akin na hindi nawala iyong baby ko..." Patuloy na umaagos ang luha niya. Isa lang naman ang dahilan kung bakit dinugo siya. Buntis siya. Hindi niya man lang agad nalaman iyon at iyon ang labis na ikinalungkot niya. Sana inalagaan niya na lang nang maayos ang kanyang sarili habang nasa kamay siya ni Larkin. Sana naging malakas siya para hindi ito nangyari.

Ngumiti ang Mommy at Daddy niya sa kanya. Hinawakan ng ina niya ang kanyang kamay na nasa tiyan niya. Nanginginig pa nga ang kamay niya dahil sa nararamdaman na kaba sa dibdib. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyari sa maliit na anghel niya.

"Hindi ka nakunan, anak. Pasalamat tayo at malakas iyong kapit ng baby mo. Ang kailangan mong gawin ay magpakalakas at magpahinga," saad ng Mommy niya. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi nang marining niya iyon mula sa kanyang ina.

"Hindi ako makapaniwala na magiging Lolo na ako." Sabi ng Daddy niya na sinabayan ng tawa.

Hindi niya rin nga niya akalain na magkaka-anak na sila ni Zach. Magiging Mommy na rin siya. Ramdam niya ang kasiyahan na biglang bumalot sa kanyang puso.

"Si Larkin..." bigla siyang napalingon sa Daddy niya.

"Anong na ang nangyari kay Larkin, Dad?" Gusto niyang makulong si Larkin at pagbayarin sa ginawa nito sa kanya at kay Zach. Sa takot na ibinigay nito sa kanya.

"Nasa ICU siya ngayon, sweetheart. Sinasalba ng mga doctor ang buhay niya... Lumaban siya sa mga pulis kaya may mga tama rin siya ng baril." Saad ng Mommy niya. Napabuntong-hininga na lang si Tina. Hindi naman ito mangyayari kay Larkin kung nagparaya lang ito. Kung tinanggap lang nito ang kabiguan.

"Magpahinga ka na muna, honey. Mamaya andito na rin si Zach." Hinaplos ng kanyang Ina ang kanyang mukha. Tumango siya sa mga ito at ipinikit ang kanyang mga mata. Nakahawak ang kanyang mga kamay sa impis niya pang tiyan at napangiti.

Magiging maayos din ang lahat. Kakalimutan niya ang bangungot na nangyari sa kanya at magsisimula siyang muli. Magsisimula siya kasama ang taong pinakamamahal niya at ang magiging anak nila.

---

A/N: Sorry sa matagal na paghihintay. Sorry talaga. Huhuhu... ME-Shelle_18 pasensiya baby. Ang sabaw ng update na ito. Haha...

Ako na lang sana COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon