A/N: ang daming issue ang kumalat sa DOS. hindi na nga ako updated sa mga yun eh. Naririnig ko lang yung iba kasi wala naman ako mismo nung nangyare at hindi naman ako ganun kachismosa! Pinagsama-sama ko yung mga issue na natatandaan ko at ginawan ko ng istorya. Sinadya kong ibahin yung mga characters. Mahirap na, baka magkainitan pa. kasalanan ko pa. ilalagay ko yung mga hindi pa nag-eexist sa Dos. yung mga bagong salta at wala pa nung 2nd year. Oh walang pikunan! J
Franny’s POV
“hello Robin? Bat ka napatawag ka?”
“duh! Bat mo pa tinatanong! Diba nga may usapan tayo ngayon nila Jinky na lalabas tayo ngayon!” isang pasigaw na sagot pa ang inabot ko mula sa kabilang linya
“hindi ako pwede ngayon, may gagawin pa ako”
“ikaw ba eh naging katulong na sa sarili mong bahay at ikaw na ang gumagawa ng mga trabaho?! Ano ka ba! Lets have some fun!”
“kayo nalang… wala talaga ako sa mood eh…”
“ikaw ba sasama samin oh pupuntahan kita jan sa bahay mo at kakaladkarin!” grabe naman tong babaeng to! Makapag-treat kala mo siya ang nagmamanipula ng buhay ko!
“eto na! eto na! sasama na nga oh!” at ibinaba ko na agad ang telepono. Kahit wala talaga ako sa mood, hindi ko naman matatanggihan tong mga kaibigan ko. sila na nga lang yung meron sakin, ayokong mawala pa sila.
Sinundo ako nila Robin sa bahay. Kasama namin si Jinky. Since highschool, kami na talagang tatlo ang laging magkakasama. Kahit iba-iba kami ng ugali, nagkakasundo parin… sa isang resto bar kami napadpad. Si Robin kasi ang nasunod kung san kami pupunta. Yung babaeng yun kasi mahilig talaga sa fun ang excitement. Kunbaga, hindi siya nawawalan ng energy pagdating sa mga nightlife and wild life. She loves hanging out with a bunch of people. Kaya hindi lang kami ang mga kaibigan niya. Pero sure akong kami lang ni Jinky ang pinakaclose niya.
“hey guys! Have some fun! Tara sayaw pa tayo!” pagyayaya ni Robin samin ni Jinky. May hawak siyang isang wine glass at sumasayaw sa saliw ng tugtog.
“ikaw nalang Robin, ayoko…” pagtanggi ko.
“hay nako! Kaya nga tayo nandito para magsaya diba?! At saka madaming mga boys ngayon dito! Come on! Im sure, hinihintay na nila tayo!”
“sabi ko naman kasi sa inyo eh, ayokong sumama.”
“ang KJ mo talaga ever Franny! Halika na nga Jinky, bahala na si Franny jan!”
“ikaw nalang Robin, ayoko rin!”
“whats wrong with you guys?! Alam niyo kayao, para kayong mga ewan! Wala kayong alam sa enjoyment!”
“hindi naman po kasi kami katulad mo na palaging on the go! Palaging nasa hyper mode! Parang energizer bunny! Maupo ka nga muna dito Robin! Alam mong may problema si Franny eh, dinala-dala mo pa kami dito!”
Naupo si Robin. “so what? Hay nako Franny, sinabi ko naman sayo eh, iinom mo lang yang problema mo at mawawala din yan.”
“alam mo namang hindi umiinom si Franny Robin.”
“that’s it! Its time for you to learn how to get yourself drunk! Here! Drink this!” sabay abot sakin ni Robin ng isang glass na may lamang tequila. Unti unti ko itong ininom.
“yeah! That’s right! That’s my girl! Here, have some more!” at nag-abot na naman siya ng isa pang glass.
Mabilis namang inagaw ni Jinky ang glass sa akin. “tama na! malalasing ka niyan!”
BINABASA MO ANG
Ang Istorya ng DOS!
Novela Juvenileto ang apat na taong istorya ng DOS! mga nangyaring hindi naman inasahan. kwento ng pagkakaibigan at barkadahan. mga memories na kahit kailan ay hindi nakakasawang balik-balikan.