CHAPTER 23---Banat buto at mga kasamaan

106 18 0
                                    

Mo’s POV

Ayoko talaga nung una ang mag-stay sa San Gab. Sa puder ng tita ko. kasama si Ain. Pero dahil wala na nga kaming magagawa, napasubo na kami ni Ain. Kada matapos ang klase namin ni Ain sa hapon, sa San Gab na kami dumideretso. Sa bahay ng tita namin. Andun kami para manilbihan sa kanya. Bukod kasi sa siya ang magbibigay ng baon namin sa araw araw eh may sahod din kami sa kanya bilang kabayaran ng pagsama namin sa kanya. Wala naman kasi siyang ibang makakasama sa malaki niyang bahay kaya kami ang kinuha niya para samahan siya. Ayos na sama eh. Kaso hindi naging maganda ang turing niya samin. Mga pamangkin niya kami pero kung ituring niya kami parang mga katulong talaga.

Meron yung kagagaling lang namin ng school at naglakad pa kami ni Ain kasama si Odz pauwi ng San Gab. At nung makarating kami sa bahay ng witch na yun, hindi pa kami nakakapagmano sa kanya, agad niya na kaming inutusan ng kung anu anu! Nakakainis dahil pagod ka galling school, tapos naglakad ka pa ta kararating mo lang eh may iniutos na agd sayo! Sino ba namang matutuwa sa ginagawa niya samin! Madalas pa kaming makarinig ng masasama at masasakit na salita sa kanya kapag hindi namin nagagawa ng tama ang mga pinapagawa niya samin! kung meron lang siyang magandang ginawa para samin, yun ay yung kapag binibigyan niya kami ng pera at yung kapag pinapakain niya kami!

Isa pang kagandahan ng pag-istay namin sa kanya eh yung madami kaming nakikitang gwapo. May tindahan kasi siya sa bahay niya at kami ang inuutusan niyang magbantay kapag may ginagawa siya. Siyempre, madaming gwapo sa San Gab kaya nagkakaroon kami ng time makilala sila! Haha! Ang saya ng buhay kapag ganun! Yung iba pang mga tao pinagkakamalan kaming mgakatulong pero hindi manlang sabihin ni witch na mga pamangkin niya kami! Nakakahiya tuloy sa mga poging bumibili minsan sa tindahan… akala talaga nila katulong kami!

Masasabi ko paring ako ang dehado sa aming dalawa ni Ain dahil ako ang may pinakamadaming time na walang pasok. Ako tuloy ang madalas maiwan sa San Gab kapag umaga dahil Tuesday at Thursday lang ang whole day ko. bali tatlong umaga na nasa house of hell lang ako samantalang si Ain dalawang araw lang dahil MWF ang whole day niya. Unfair yun pero wala na akong magagawa, ganun talaga! Hindi pa kami nakakapanood ng tv. Kung may time man kaming nanuod, yun ay kapag tapos na lahat ng trabaho namin. At nangyayare lang yun kapag gabi. Sa gabi lang kami nagkakaroon ng pahinga. Kapag matutulog na… hindi ako nagpapa-awa. Totoo to! Para kaming mga domestic helper sa ibang bansa! Mahirap! Nung umalis kami dun, binigyan naman niya kami ng tig-limang daan namin ni Ain. Yung mainit-init pa, malutong at yung magkakasunod pa ang number!

Dahil din sa pagtatrabaho namin, dito rin ako natutong nagtrabaho talaga! Matapos ng kulang dalawang linggong pamamalagi sa hell na bahay nay un, swerte naman akong nakahanap ng trabaho. At sariling sahod ko na ang naiipon ko. hindi ko pinaalam kina mama na may trabaho ako. Tinago ko to. Dahil kapag malalaman nila, baka itigil nila ang pagbibigay ng baon sakin. nagtrabaho ako bilang helper sa isang kainan sa isang carinderia sa plasa. Tinulungan akong ipasok ng isang kaibigan ko sa clan noon. Mababa lang ang sahod pero ayos narin. Madalas naring magtanong si mama sakin dahil palagi na daw akong maghu-whole day. Ang dahilan nun ay ang pagpunta ko trabaho. Nagdadala na ko ng extrang damit. Kapag kasiumaalis ako sa bahay, nakauniform na ako para di halata. Tapos pagdating sa kainan, nagpapalit ako ng pambahay na damit. Kapag wala lang akong pasok sa umag ako nakakapagtrabaho. Minsan, hindi narin ako pumapasok sa foods ko para magtrabaho.

Kulang apat na linggo ang inilagi ko sa kainan nay un. Umalis narin ako nung mejo makaipon. Hindi na muna ako pumasok sa mga trabaho at nag-concentrate sa pag-aaral. Kaso napabarkada naman ako. Dahil sa lagi kong kasama si Jeb at si Nolie na bf niya, lagi narin naming nakakasama yung mga barkada ni Nolie. Madalas narin akong lumiban sa klase dahil sa kanila. Sa Grandstand lang kami madalas tumambay kapag nasa school. Madalas din kami sa basketball court sa may tapat ng Methodist School. May mga tambay nadin kasi kaming barkada dun.

Ang Istorya ng DOS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon