March 27, 2010----- First DOS Outing!
Medaling araw na nga ako natulog. Hindi pa nga dapat ako matutulog pero naawa lang ako sa sarili ko. 8:15 na ng umaga nung magising ako. Ang usapan, 8am sharp sa bahay nila Tin Dantes magkikita-kita! Putek! Late na ako! Tinext ko yung mga alam kong pupunta kung nasan na sila para makahabol ako. Hindi n asana ako maliligo dahil sa pool din naman ang bagsak ko mamaya pero nakakahiya namang muka akong yagit magpunta sa venue. Naligo nalang ako saka kumuha ng mga damit. Dumiretso na ako sa plasa at nag-grocery ng mga foods. Yun nalng ang iaambag ko. naiwan na pala ako ng mga mates ko. nasa Meynard’s nap ala sila. Hindi n asana ako hahabol pa kasi nakalimutan ko na kung nasaan yung Maynrd’s. takot naman kasi akong mawala. Ang kaso, nakabili na ako ng snacks saka sayang naman kung hindi ako pupunta kaya nag-abang nalang ako ng tricy papunta sa Maynard’s
Christine’s POV
“sino pa daw bang hahabol?” tanong ko sa mga classmates ko na nasa bahay na.
“nagtext sakin si Mo, maliligo pa daw muna siya.” Sagot naman ni Alegna
“sabihin mo, wag na siyang maligo. Swimming naman yung pupuntahan natin eh! Bat pa siya maliligo?”
“nasa banyo na daw siya at naliligo.”
“naliligo nagtetext??! Itext mo na mauna na tyo! Ang tagl niya kaya! Andun na daw yung mga boys eh!” kahit kelan talaga , paimportante yang Mo nay an! Ang usapan 8am sharp! Anong oras na kaya!
“tara na then!” pagyayaya ko sakanila.
“wait! Ang dami pang wala oh!”
“susunod na daw sila. Padiretsohin mo na lahat sa Maynard’s!”
“bili pa then kami ni Cherrie ng fries ah!”
“para san yun?”
“para sa foods. Yun ang ambag namin.”
“wala nang time para iluto yun! dapat kasi dati niyo nang niluto sa mga bahy-bahay niyo para natapos na!”
“wag na then! Tara na!”
“galet lang!?”
“hinde! Tara na then!”
Umalis na nga kami sa bahay. At baka hindi pa matuloy ang outing na to! Kainis naman kasi! masyado akong binabadtrip ng mga taong to! Nagtext sakin si Mo habang nakasakay kami ng tricy papunta na ng Maynard’s.
Mo: Asan na kayo?
Ako: ppunta n Maynard. Wer na u?
Mo: dito plasa. Mag-grocery.
Ako: pra xan
Mo: ambag ko sa foods. Kahiya naman sayo!
Ako: k. dali!
Malapit nang mag-alas dyes nung makarating nga kami sa Maynard’s koonti lang talaga kaming present sa outing na to. Ako, si Kamille, Dale, Jerum, Karl Joey, Nicah, Angelica, Alex, Carl, Elizalde, Arlene, Maryjun, Rheyca at ang humabol nga na si Mo. Ayos narin to! Basta ang importante may mga pumunta at may mga boys! :P
Buti nalang pala at nakapag-ambag pa ng snacks at drinks si Mo. Lalo tuloy dumami ang pagkain namin. Picture taking muna ang inuna naming gawin. Walang ibang nagdala ng camera. Ako lang. dinala ko yung camera na de-film. Oldies na kung oldies. Wala tayong magagawa eh, yun ang meron eh! Buti nga nagdala pa ako. Nagrent din kami ng isang kubo na malapit lang din sa may pool area. Isa lang kasi walang budget. Kasya naman kami dun.
BINABASA MO ANG
Ang Istorya ng DOS!
Genç Kurgueto ang apat na taong istorya ng DOS! mga nangyaring hindi naman inasahan. kwento ng pagkakaibigan at barkadahan. mga memories na kahit kailan ay hindi nakakasawang balik-balikan.