CHAPTER 22

64 24 11
                                    

Pabalik-balik ako sa pag-lalakad. Kailangan ko'ng makaalis. Hindi ako sasama sa Paris, hindi pde'ng iwan ko nalang ng ganon si Lindon. Kailangan makaisip ako ng paraan. Shit queenie think!

"Darling, ano na'ng ginagawa mo? Gumawa ako ng salad. C'mon let's eat."

Huminto ako na'ng marinig si mommy. Nakatingin lang ako sa pinto. Nag-iisip ng plano para makaalis. But damn! Hindi ako makapag-isip ng matino! Sumasakit ang ulo ko gawa ng nangyari kanina.

"Queenie?" kumatok si mommy. Lumunok ako bago lumapit at pag-buksan siya. "Tara kumain muna tayo." Aniya.

Tumango nalang ako. Pinag-sandok ako ni mommy ng salad sa plato, hindi ko yun ginagalaw. Hindi pa ako kumakain pero hindi ako nakakaramdam ng gutom. Masyado ako'ng marami'ng iniisip.

"Anak.. why aren't you eating? Kailangan mo ng lakas. O' baka gusto mo ng rice? Pde kita ipag-luto ng ulam."

Napatingin ako kay mommy, nag-aalala pa rin ang mukha niya. "Y-Yes mom, I want rice."

Hinawakan niya ang kamay ko, "Okay, stay here ipag-luluto kita ng ulam." Ngumiti at tumango ako, pag-alis niya'y mabilis ako'ng tumakbo sa kwarto at kinuha ang maleta, cellphone at wallet ko. Mabilis ko 'tong nilabas at binitbit sa sala, sumilip pa ako ng kusina at nakita ko si mom na nakatalikod at nagpi-prito ng tocino ayon sa naaamoy ko.

'Sorry, mommy.'

Minadali ko ang pag-kakataon, lumabas ako ng unit at agad na bumaba sa elevator. Tska ako pumara ng taxi. Ito lang ang naiisip ko'ng way para makatakas, Alam ko once na malaman 'to ni daddy ay malalagot na naman ako pero what can I do? I have to go to the hospital and check on Lindon.

"Miss, Lindon Pacheco. What room he's in??" Nag-mamadali'ng tugon ko sa nurse sa front desk. Iniscan naman niya ang log book, "217 ma'am, kaano-ano po niya----"

Stupid. Nilayasan ko na siya Di pa man niya natatapos ang sasabihin, Mabilis ako'ng tumakbo sa room 217. Pag-pasok ay nakita ko'ng nakaratay si Lindon sa hospital bed, wala'ng malay at ang daming nakasabit na kung anu-ano. Dahan-dahan ko ito'ng nilapitan. "Lindon.."

"Queenie, akala ko hindi ka na makakapunta."

Hindi ko tinignan si Cassidy, nanatili'ng na kay Lindon ang mga mata ko.

"Bat may bitbit ka'ng maleta?" Tanong niya. Still I didn't response.

"Queenie are you okay---"

"Nagising na siya, right?" Bigla'ng tanong ko habang na kay Lindon pa rin ang paningin. Pansin ko'ng natigil siya. Kaya naman dahan-dahan ko'ng inangat ang paningin ko sa kanya.

"W-What happen to your face? May sugat ka sa gilid ng labi." Nauutal na aniya.

"Ano'ng sabi ni Lindon?" Tanong ko.

"Wala naman.. hinahanap ka, Sabi ko pupunta ka naman." Sagot nito. Tumango naman ako. Hinaplos ko ang buhok ni Lindon.

"Queenie ano'ng nangyari sa'yo? Saan ka nila dinala? Sino-sino ang mga dumukot sa'yo?" Sunod-sunod na anito, natigil ako sa pag-haplos sa buhok ni Lindon at bahagya'ng na-bwiset.

What the fuck?! As if mapag-kakatiwalaan pa siya?!

"Queenie.. Bakit hindi mo 'ko sinasagot? Kanina pa ako nag-tatanong."

"Alis muna ako."

Akmang lalabas na ako ng hawakan niya ang braso ko dahilan para mahinto ako. Damn it!

"Queenie, a-ano ba'ng nangyayari sa'yo?"

Tinignan ko siya, "Simula ngayon, ituring nalang natin na kaaway ang isa't-isa. Clear?" Tska ko hinablot pabalik ang braso ko.

CRIMINAL [Under Major Editing]Where stories live. Discover now