Parents Letter

2 0 0
                                    

Sa aking pagtanda unawain mo sana ako at pagpasensiyahan kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o makatapon ng sabaw sa hapag kainan huwag sana akong kagalitan maramdamin Ang isang matanda naawa ako sa sarili ko sa tuwing sinisigawan mo ako . Kapag mahina na Ang tenga ko at hindi ko maintindihan Ang sinasabi mo huwag mo naman sana akong sabihang bingi Paki ulit nalang Ang sinabi mo o pakisulat nalang pasensiya kana anak. Matanda na Talaga ako kapag mahina na Ang tuhod ko pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo  katulad ng pag alalay ko sa Iyo noong nag-aaral ka palang lumakad pagpasensiyahan mo na sana ako . kung ako man ay nagiging makulit at paulit -ulit na parang sirang plaka Basta pakinggan mo nalang ako . Huwag mo sana akong pagtawanan o pagsawaang pakinggan natatandaan mo pa noong Bata kapa ? Kapag gusto mo ng lobo paulit -ulit mo Yong sasabihin mag hapon kang mangugulit hangga't hindi mo na kukuha Ang gusto mo pinagtyatyagaan ko ang kakulitan mo pagpasensiyahan mo narin sana Ang aking Amoy , Amoy matanda, Amoy lupa , huwag sana akong piliting maligo mahina na ang katawan ko madaling mag kasakit kapag na lamigan huwag sana akong pandirihan natatandaan mo noong Bata kapa ? Pinagtyatyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo. Pagpasensiyahan mo sana kung madalas ako'y masungit dala narin marahil Ito ng katandaan pagtanda mo maiintindihan mo rin ako . Kapag may konti kang panahon magkuwentuhan naman tayo kahit sandali lang inip na ako sa bahay mag hapong nag-iisa walang kausap Alam ko busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakuwentuhan ka kahit Alam kong hindi ka interasado sa mga kuwento ko . Natatandaan mo anak noong Bata kapa ? Pinagtyatyagaan kong pakinggan at intindihan Ang pautal- utal mong kuwento tungkol sa iyong Teddy bear at kapag dumating Ang sandali na ako'y magkasakit at marata'y sa banig ng karamdaman huwag mo sana akong pagsawaang alagaan pagpasensiyahan mo sana kung ako man ay maigi o madumi sa higaan. Pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking Buhay tutal hindi Naman na ako magtatagal kapag dumating Ang aking pag panaw hawakan mo sana Ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng lobo na hawakan Ang kamatayan at huwag ka mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama at Ina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sulat ng Magulang sa anak(One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon