"Carl nandyan ka pala, tara kain tayo sa cafeteria! Namiss na kita kasabay kumain!" Sabi ko sabay akbay sa bestfriend ko
"Sorry Ace, next time na lang, maglalunch kasi kami ni Reign ngayon eh. Sorry talaga, sige bye ingat ka" sabi nya at nagmamadaling umalis papunta sa Reign nya
Hay kailan kaya ulit kami makakapagbonding tulad ng dati? Simula ng nakilala nya si Reign palagi na lang akong 2nd option nya. Si Reign na lang lagi Priority nya. Kapag inaaya ko sa bahay sasabihin may gala sila ni Reign, kapag inaaya kong maggym, sasabihin kakain sila ni Reign, kapag inaya kong gumawang assignment, sasabihin magaaral sila ni Reign. Puro na lang si Reign. Pisteng Reign yan!
Aminin mo na kasi Ace nagseselos ka kay Reign
Ha?! Ako nagseselos?! Tangina Oo! Selos na selos na ko! Kasi yung Childhood bestfriend ko slash! MAHAL KO! eh may gustong ibang babae! Kaya OO NAGSESELOS AKO!
wtf shit! Sinabi ko ba talagang nagseselos ako?! Hala waaah
Pano mo ba kasi masasabi kapag nagseselos ang isang tao?
1. NAIINIS KA KAPAG MAY KASAMA SYANG IBA (hala ka ace nararamdaman mo yan)
2. NAIINGGIT KA KAPAG MAS PRIORITY NYA YUNG ISA KESA IKAW (hala ikaw nga)
3. NAIINIS KA KAPAG BUKAMBIBIG NYA YUNG BABAENG GUSTO NYA (reign reign puro na lang reign)
4. AYAW MONG MAGKAGUSTO SYA SA IBA (bat kasi si reign pa?!)
And lastly
5. NAGAGALIT KA NAIINIS KA BASTA LAHAT NARARAMDAMAN MO (arghhh)Lahat check huhu ibig sabihin neto nagseselos nga talaga ko. Haist Carl ano ba tong ginawa mo saken? :(
Nakatulala lang ako dito sa may bench. Hinihintay ko si Carl dahil sabi nya sabay daw kaming umuwi nang may makita akong dalawang naglalakad magkawak kamay at ang sweet sweet nila. Hanggang sa makilala ko kung sino to...si Carl at si Reign
Magkasama na naman sila :( carl akala ko ba sabay tayong uuwi? Kanina pa ko naghihintay dito all this time kasama mo lang pala si Reign
Nagdecide akong magtext kay Carl.
To: Carl MyLoves
Bes Carl, asan ka na kanina pa ko naghihintay sayo
Tinanong ko parin kahit alam ko na. Malay mo nakalimutan nya lang diba?....diba?.....sana? :(
Nakita kong tiningnan nya ang cellphone nya, akala ko bubuksan na nya pero binalik nya lang yon sa bulsa nya. At nagtuloy tuloy sila sa paglalakad ni Reign palabas ng school Awts huhu akala ko ba naman rereplyan nya na ko :( pero hindi inignore nya ang message ko.
Pero dahil tanga nga ako hinintay ko parin si Carl Dito. Kahit na alam kong kasama lang naman nya si Reign.
Palalim na ang gabi magse7pm na siguro biglang dumating si Carl
"Uy Ace sorry! Kanina ka pa ba? Hinatid ko pa kasi si Reign sakanila. Sorry talaga. Naku ginabi ka na"
"Okay lang. Tara uwi na tayo" pilit ang ngiting sagot ko sakanya. Sige lang ace keri lang ang pagpapakamartyr para kay bestfriend. Tiisin mo lang ang sakit para kay bes. Tanga ka naman talaga eh....diba?! :(
Nakauwi na ko sa bahay. Umuwi narin si Carl. Tinext ko sya pagkapasok ko sa kwarto ko
To: Carl MyLoves
Ingat ka pauwi bes salamat sa paghatid :)
Ayan dyan ka magaling. Sa pabes bes mo. Bes bes ka dyan mahal mo na pala hay nako ace tsk tsk tsk
YOU ARE READING
HER
Non-FictionHer. Its always been her since from the start. sya lang naman diba? sya lang lagi. never magiging ako kasi sya lang yung mahal mo. akala ko nga nung una may pagasa na ko. pero wala eh sya parin pala talaga.ang tanga tanga ko lang para umasang may pa...