Chapter 1 "THE FIRST BOOK THAT CAUGHT MY CURIOSITY"

74 0 0
                                    

Chapter 1

"THE FIRST BOOK THAT CAUGHT MY CURIOSITY"

"hoy Allena Jean Espiritu! Tulala ka nanaman dyan! hahah"

"haay parang di mo naman alam yung nangyari kanina sakin" haisst di ko kasi maiwasang di isipin yon.. nakakahiya kase.. to kasing bestfriend ko eh.

_____FLASH BACK_____

"san na ba yun si bespren... naku nako! yung Jessie Mendez na yon tutuktukan ko na yun eh lagi nalang nawawala ng walang pasabi" hmmm ah lam ko na may nabanggit sya kanina na may report daw sya.. baka nasa library yun... kabaligtaran ko yun eh kung sya madalas sa library.. ako hindi.

tss. ayokong ayoko panaman pumupunta sa lugar na yon... sobrang daming aklat... napaka lawak at napaka laki pa ng mga bookshelves... nakakalula, napaka laking lugar pero puro bago at lumang libro lang ang laman... sabagay kaya nga library eh.. ang shunga ko talaga. pero nako di mo ko mapagtatagal ng kahit sampung minuto sa lugar na yon...di ku nga alam pano mang hiram ng libro dun... tagal ko nang nabubuhay sa mundo pero di ko pa nai-try mang hiram ng libro kahit saang library... si besprend kasi lagi kong inuutusan, lagi ko naman kasi syang kasama eh...

okay nandito na pala ako sa lugar na nakakahilo... pag bukas ko ng napaka laking pinto na dalawa ang hawakan... parang yung cabinet lang namin ang peg... hehe

waaa yung amoy palang ng loob nitong library di ko trip... susmariosep san ko naman hahanapin yung mokong na yun dito? may hagdanan pa sa taas may second floor as in ang lawak talaga.

umakyat ako at may nakita akong dalawang lalaki na naka talikod at namimili ng libro... hmm magka height parehas din naka bonet... yung isa blue at yung isa dark blue naman pero di masyadong nagkakalayo ng kulay...tpos parehas pa silang naka uniform... isa sa kanila si bespren...basta ang alam ko lang blue yung bonet ni bespren eh.. hmm...

napatingin ako sa sahig may wrist watch katabi nung lalaki na naka dark blue na bonet.. aha kay bespren yun ah. sya na nga!

tumakbo ako papalapit sa lalaking yon at tinanggal ko ang bonet nya tapos ginulo gulo ko agad yung buhok nya...

"nakakainis ka bespren! di mo manlang...ak-o.. si-nama...di...to.."

napatigil ako ng napatingin sakin yung lalaki na katabi nitong lalaki na tinanggalan ko ng bonet... si bespren... teka eh sino tong tinanggalan ko ng bonet?

unti-unting lumingon sakin yung lalaki... at pagkakita ko...

(O///////O) oh may! shete! si Jasper Alarcon pala! yung ultimate crush ko!... nakakahiyaaaa!!!!

dali dali kong hinila si bespren palayo... pero tawa lang sya ng tawa habang kinakaladkad ko na sya.

"hahahahahahahahahaha!!! ano namang naisipan mo at hinila mo yung bonet ng crush mo at ginulo gulo mo pa yung buhok nya? hahahaha grabe ka Allena! kakaiba ka talaga. hahaha" 

"tse! sige mang asar ka pa... hmp!" tapos kinurot ko yung tagiliran nya ng matagal hanggat di pa sya tumitigil kakatawa...

"araaaayyy!!! hahahaha tama na masaket! haha"

"hmp! parang di kita bespren ah... akala ko lang naman ikaw yun parehas kase kayo ng tindig nung crush ko eh nawala pa sa isip ko"

"hoy sinong may sabi sayo na parehas kame? mas gwapo kaya ako dun! hahaha"

"tse! ang kapal ng muka mo! hmp!"

_____END OF FLASHBACK_____

kaya hayan tulala ako mula kanina hanggang ngayon...

"hayaan mu na yon bespren...geh alis na muna ako kita nalang tayo mamaya ha gagawa pa akong report eh rush to mamaya ko na ippresent hahah"

"ok sige na... Good luck! mabulol ka sana sa pagrereport mo"

nakalayo na sya tapos dinilaan ko :P

"hahaha yung crush mo nasa likod mo!" tapos tumuro nga sya sa bandang likod ko..

dahan dahan akong lumingon sa likod ko pero wala akong nakita.. at pag tingin ko kay bespren malayo na sya at sinigawan ako.. "utu-uto wahahaha"

inambaan ko naman sya ng suntok... yung bespren ko talaga na yon lakas mang asar.

ay teka... yung wrist watch nga pala nya... shete babalikan ko pa dun sa library.. kahit naman ganun yung bespren ko na yon eh mahal na mahal ko yon kahit pa abnormal yon.

so wala akong nagawa kundi pumunta sa library para kunin yung relo nya.. sana nandun pa.

pag pasok ko... ang tahimik... wala ng masyadong tao... bilang na bilang nalang.. 

umakyat ako sa taas at pumunta kung san ko nakita yung relo ni bespren kanina... hay nako di ko na kasi naisip kanina kase napahiya ako ng sobra eh.

hayun! buti walang kumuha... pinulot ko na yung relo ng mapansin kong bukas yung pintuan ng isang room na katapat ko...inilagay ko na yung relo ni bespren sa bulsa ko pero nagulat ako ng makarinig ako ng tunog na parang may bumagsak na libro... out of my curiosity pumasok ako sa loob ng room... as usual kagaya ng loob ng ibang mga rooms dito sa buong library puro libro din, tables and chairs ang laman.

andilim naman dito... hahawiin ko palang sana yung kurtina ng may mapansin ako sa side ko na...

parang may umilaw at lumiwanag... kaya naman napatingin ako sa bandang ibaba at may nakita akong isang makapal na libro sa lapag...

nilapitan ko ito at binuklat ang ilang pahina. yung iba wala pang sulat.. sa pagka curious ko tinignan ko yung cover.. mukang luma na to...

may dalawang mukha ng maskara... isang masaya at isang malungkot... BOOK OF DREAMS?? hmm.. totoo naman ba ang lahat ng nakasulat dito?... naku di naman ako naniniwala sa ganto eh...

pero tinignan ko ulit yung mga sumunod na pahina may mga days 1-31 at may meaning lahat... 

nakalagay din dito na kung ano daw yung meaning ng napanaginipan mo ay pwedeng mangyari o hindi depende kung sa pang ilang araw ng buwan mo sya napanaginipan... hmmp puro kaechosan! sino naman kaya ang gumawa nito? tao lang din naman.

isinipit ko yung libro sa may making space pa dun sa bookshelf.

paalis na sana ako ng...

blag!... nalaglag ulit ito mula sa kinalalagyan nya... 

kaya dahan dahan ko itong nilapitan. wala namang hangin pero kusang lumipat ng kanya ang bawat pahina.... hanggang sa sumara ulit... kinuha ko ito dahil nahihiwagahan ako dito di ko alam kung bakit pero parang nangungusap ang bawat pahina nito... sa unang pagkakataon, ito ang unang libro na hihiramin ko sa library na ito for the sake of my curiosity.

A/N: nakuha ko ba ang curiosity nyo... mukang hindi yata hehehe... tuloy ko pa po ba? VOTES + COMMENT nyo lang po ang makakasagot sa mga nacurious dyan at votes and comments nyo din po ang makakasagot sa tanong ko kung itutuloy ko pa po ito o hindi na hehehe.. anyway, Thanks for reading. God Bless. :)

chakANNEss<3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BOOK OF DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon