Narinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto ng bahay. "Lexie!" Sigaw ni troy. Bahagya ako napatalon sa gulat sa klase ng sigaw nya.
Nasa kusina ako at naghahanda ng hapunan namin. Wala kaming kinuhang katulong sa bahay, simula nung magpakasal kami ni troy. Ako na ang nagma-maintain ng bahay habang ang asawa ko nasa opisina.
Lumalakas ang tambol ng dibdib ko habang hinihintay ko ang pagdating nya. balak ko sana sya'ng sopresahin sa maganda'ng balita na natanggap ko. Mukhang di na mangyayari ang gusto ko.
Ilang araw na din ako may nararamdaman. May hinala na ako pero gusto ko ng conformation. So i went to the clinic para magpacheck up kanina. I was trilled to know that i am 2 weeks pregnant. Pati si doc natawa din sa reaction ko.
2 years na silang kasal. Umaasa sya na sana ito na ang magiging sagot sa pangarap nya. Ang mahalin sya at pahalagahan ni troy. Gaya ng dati.
Sa 2 taon na pagsasama namin. Nagbago sya hindi na sya ang troy na nakilala ko nuon. At kasalanan ko din, pero not entirely. Ikaw ba naman ang e-arrange marriage sa taong hindi mo mahal. Oo hindi ako mahal ni troy, may ibang mahal ang taong mahal ko. Masakit sobra. Parang pinipiraso piraso ung puso ko. Lalo na pag nakakainom ito, pinapamukha nya sakin kung gaano sya nagsisisi na nakilala nya ako kung gaano sya nagsisisi na pinili nyang makinig at sundin ang gusto ng lolo nya.
Una palang alam ko na di ako ang tipo ni troy, alam ko din na may mahal syang iba. Pero mahal ko sya at hindi ko pinagsisisihan ang pagpayag ko sa pagpapakasal namin. Selfish na kung selfish pero...pero mahal ko lang talaga sya. Simula ng makilala ko sya at hanggang ngayon di nagbago yun. Mas nagiging pursigido pa ako. Lalo na magkaka anak na kami. Hindi ako bibitaw sa kanya. May hawak ako. Yun ang iniisip ko.
Kahit mga kaibigan ko nagagalit na din sakin dahil sa kagagahan ko. "Masokista" nadaw ako. Sinasaktan na nga ako, inlove parin daw ako. Harap harapan na ako niloloko, go parin ng go ako.
"Lexie!" Tawag ulit nya. Sa tono nang boses na nya ay panigurado makakatikim na naman ako ng masakit. Kaya dali-dali na ako lumabas ng kusina at dina sya hinintay pa.
"Troy sandali. Nagluto na ako ng hapu--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng hinablot nya ang braso ko.
"Aray" sabi ko. Pero parang wala ito'ng narinig bagkus hinigpitan nya pa lalo ang paghawak sa kin. Halos maluha na ako sa sakit.
"T-tro--" hindi ko natapos ulit ang sasabihin ko ng sigawan nya ulit ako. "Ano'ng ginawa mo kay eunice?..hah!?.." hindi na ako sa nagulat sa bungad nya sakin. Si Eunice na nama. Hindi na bago. Nagsumbong nanaman ang malanding iyon.
"Anong g-ginawa.. wala ako ginagawa sa kanya troy" pagpapaliwag ko sa kanya. Nakikita ko ang mapanuya nyang tingin sakin. Iniispi nya nagsisinungaling ako.
"T-troy please your hurting m--" nahigit ko ulit ang sasabihin ko ng sigawan nya ulit ako. "May megaphone ba to sa lalamunan? Ang lakas ng sigaw ah. Well anong bago". Sa isip-isip ko.
"you tried to hurt her" sabi nya sakin. Duon ako nagulat. "Anong sinaktan" tanong ko. Pero parang wala syang narinig.
"diba ang sabi ko sayo huwag na huwag kang lalapit kay eunice, wag na wag mo syang sasaktan. Ano ang ginawa mo, pinahamak mo sya..lalo na ang magiging anak ko!!" Mas lalo nanlaki ang mata ko. parang may mali sa sinabi nya. Para'ng hindi maproseso sa utak ko ang kasasabi nya lang.
"anak?" Tanong ko sa kanya. Kahit sobrang higpit ng pagkakahawak nya sa braso. Wala akong maramdaman. Namanhid buong katawan ko, para din ako nabingi.
BINABASA MO ANG
Lost in love
Romance"Minahal ko sya ng sobra, ni wala ako hiniling na iba, oo naging selfish lang ako pero nagmahal lang naman ako." "I become different , when she was gone. I lost her and i dont know what to do anymore. I thought i would never fall in love the second...