Mahal, alam mo ba?
alam mo bang sobrang sakit padin,
sobrang sakit kasi mahal padin kita,
mahal padin kita kahit may bago kanaAng tanga ko noh?
tanga ako dahil hindi parin kita magawang kalimutan,
kalimutan ang bawat sandaling kasama kita,
kasama ka sa lahat ng bagaypuro luha na lang ba?
luha na araw gabi ang ginagawa ng mata ko,
hikbi na araw gabi kong naririnig
lungkot at sakit na araw gabi kong nararamdamanang mga mata ko'y tila' hindi napapagod,
hindi napapagod pumatak ng luha,
buti pa luha ko, mahal..
pero bakit ikaw napagod agad?ayoko na,
napapagod na ako, mahal
turuan mo naman ako kung paano ka kalimutan,
turuan mo naman ako kung paano ka maalis sa isip ko,
turuan mo naman ako kung paano hindi ka na mahalin,ayoko na,
ayoko nang umiyak
ayoko nang masaktan
ayoko ng malungkot
ayoko na, pagod na pagod na ako
pagod na..

BINABASA MO ANG
A Spoken Poetry: Para sa mga brokenhearted
PoetryA Spoken poetry: Para sa mga brokenhearted. Date started: June 2017 Date finished: October 2017