"Wow!! Ang ganda couz!!" Bulaslas ni Yeshia pagkatapos ipakita ni Sofia ang sayaw niya para sa production number.
Kinuha ni Sofia ang bottled water at ininum iyon. Humihingal na tumabi siya sa pagkakaupo sa pinsan.
"Talaga? Hindi ko pa nga natatapos ang step pero may naiisip na ako. Ire-rehearse ko nalang siguro mamaya sa bahay." Sagot niya. Tinignan niya ang video na kinuhanan ni Yeshia sa iPhone nito.
"Sigurado ako, dadami na naman ang mga manliligaw mo nyan!!" Titig na titig sa screen ng cellphone na bulaslas nito.
Natawa siya.
"Wag naman sana!!" Aniya. Dahil kung magkaganun, naku!! Baka dadagdagan ng Dad niya ang apat na bodyguards niya. Baka gawin pang lima, anim, o kahit sampo. Pag nangyari yun, pwede na talaga siyang pumalit kay Duterte. Sa dami ng sikyo nya, dinaig nya pa ang Presidente."Ayan!! Tignan lang natin kung hindi magviral yan!!" Nakangiting saad nito. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito.
"Ano? In-upload mo??"
Agad na inagaw niya ang iPhone nito at tinignan ang screen niyon."Yup, maganda naman eh." Nakangiting saad ng pinsan. Napahilamos siya.
"Pano pagnakita ng ibang department yan? Masyado pa namang competitive si Trish, sa show down naming dalawa ko sasayawin yan eh." Aniya ng maalala ang college night department show down nila. Nakagat ni Yeshia ang ibabang labi.
"Patay!! Oo nga pala!!" Anito at inagaw sa kanya ang cellphone.
"Ipa-private ko nalang." Dali-dali ito sa pagpindot pero biglang lumutang ang isang comment sa ibaba ng video. Nagsalubong ang kilay nito.
"Hala may nagcomment na oh!" Anito. Napatoptop ito ng bibig.
"Zac Gabriel Gutierrez?" Anas nito. Parang kampana na tumunog ang pangalan ng lalaki sa tenga ni Sofia. Biglang umusok ang ilong niya. Nagcomment ang tokmol sa video niya? Aba? Hanggang ngayon ba ay hindi siya tatantanan ng lalaking yun?"Anong sabi nya?" Naaatat na tanong niya sa natigilang pinsan.
"You dance like a Goddess, can't wait to see you soon." Parang grade 1 na basa ni Yeshia sa comment. Natigilan siya. Ano daw? She dance like a Goddess? Teka? Pang-aasar ba yun? Or joke? Kasi kahit kelan ay wala siyang aasahan na papuri sa tokmol na yun.
ILANG BESES niyang paulit-ulit na pin-lay ang video ni Sofia na in-upload ng pinsan niyang si Yeshia. He can't believe na ganito na kagaling sumayaw ngayon ang batang inaaway lang niya noon. Hindi man niya masyadong matitigan ang mukha nito pero sigurado siyang maganda ito. At hindi na ito mataba. Kurbado ang katawan nito at perpekto ang pagkahulma. Sexy and beautiful.
Ilang taon na nga ba ng huli silang nagkita? That was 13 years ago, if he is not mistaken. 12 lang siya noon habang 8 years old si Sofia. Time goes by so fast na parang kahapon lang, isa pa itong batang mataba at may salimin sa mga mata.
Gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi ni Zac. He need to meet her. He click her name na naka-tag sa video na in-unpload ng pinsan. Nahugot niya ang hininga ng lumabas ang profile nito. No! Hindi ito maganda, kulang ang salitang yun para i-describe ang mukha ni dalaga. He click her profile picture.
Napalunok siya habang tinititigan ang larawan nito sa screen ng cellphone.God! She's a Goddess!! Sigaw ng utak niya.
He double click her picture para magzoom in ito.
Hindi kaya ito gumamit ng filter? Baka naman gumanda lang ito dahil sa effect ng camera na ginamit nito. Pero wala siyang makitang ano mang bahid na gumamit ito ng filter. Impossible!
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND SERIES: BOOK II - Revenge of a Queen (Zac & Sofia)
RomanceSofia Kate Villafuente. Unica hija of Jake Jaime and Monneth Villafuente. Everybody know her as a princess and treats her as a little girl. Pero sa edad na 21, hindi na sya bata para magkaroon parin ng bodyguard. She cannot do what she want every ti...