~~~~~~~~
Crazy Woman
written by:HairisHacim_08
~~~~~~~~
*part1*
"anong gagawin mo, if ever mawala nalang ako bigla?" tanung nya sakin out of the blue
tumingin ako sa kanya
"you're my life, I'll go crazy" pinulupot ko yung kamay ko sa braso nya at inilapat ang ulo ko sa balikat niya
bilang komento sa sinabi ko, isang mahina at maikling hagikgik ang narinig ko "you love ne that much?" tanung ulit nya na para bang kakasagot ko lang sa kanya
"no words can describe how much I do" nakangiting sabi ko, pero napansin kong medyo tumahimik sya, hindi pala medyo, dahil talagang tumahimik sya.
tanging maririnig mo lang ay ang huni ng mga ibon na sumasabay sa ihip ng malamig at sariwang hangin, napakaganda talaga sa lugar na ito.Para sa akin isa itong paraiso, dahil bukod sa ganda nito, dito naging kami ni Christian.
Dito ko sya sinagot at bukas mag-iisang taon na kami, masayang-masaya ako dahil hindi tulad ng iba kong nakarelasyon ay nagtagal kami, at papangarapin ko pang tumagal kaming dalawa.
"mahal na mahal kita." he blurt out! nagulat ako dahil bukod sa chat o text, minsan nya lang masabi ang mga katagang yan.
tumingin ako sa kanya, at hindi ko napansing naglalapit ang aming mga muka, hangang sa....
tumigil ang pag ikot ng mundo ko at napaka daming paru-paru sa aking tyan na tila'y tuwang tuwa sa nangyayari, hindi ito ang unang beses na mag lalapat ang aming mga labi, ngunit pakiramdam ko ito ang aking unang halik.
"someday, when i leave you, forget about that thing" sabi nya ng maghiwalay ang aming mga labi
magkalapat parin ang aming mga noo ng biglang maramdaman ko ang maiinit na likidong nagba-badyang kumawala mula sa mga mata ko kahit na nakapikit ako.
bakit?
bakit sya ganyan?
"you'll leave me? why?" tuluyan ng tumulo ang mga traydor kong luha.
he cupped my face and kiss me on my forehead, at saka ako dumilat nang maramdaman kong tumatayo na sya
nanginginig at nanlalamig ang mga kamay kong humawak sa mainit nya kamay.
"alam mo namang hindi ako naniniwala sa mga pinaniniwalaan mo, malalaman mo rin yung rason, pero hindi ngayon"
hinintay nyang matagtag nang kusa ang kamay ko sa kamay nya bago sya umalis, alam nyang sobra akong nasaktan, dahil sa sinabi nya
Love's not always fair. Iniisip ko ang panghabangbuhay naming dalawa, habang sya iniisip ang pag-alis nya.
hindi ko alam kung literal na aalis sya at iiwan ako o aalis sya at lilisan sa buhay ko.
Napaka madrama, napaka lungkot, hindi ko alam kung kailan matatapos ang lahat ng iyan kapag nawala sya.
Narinig ko ang bell na hudyat ng pagtatapos ng klase at oras na para umuwi ang mga istudyante.
hinintay kong balikan ako dito ni Christian para ihatid sa bahay namin tulad ng parati nyang ginagawa, ngunit naghintay ako sa wala.
nang mapansin kong wala ng istudyanteng lumalabas ay tumayo narin ako at saka nilisan ang lugar na iyon.
hindi ko alam kung anong mangyayari bukas, sa susunod at sa iba pang araw.
akala ko pag-gising ko tulad parin ng dati, na nandyan sya at ang tangi ko lang magagawa ay maging masaya kasama sya.
BINABASA MO ANG
Crazy Woman
Short Story"i-i'm still crazy for you babe" kahit napakadaming taon na ang lumipas na wala sya, mahal na mahal ko pa rin sya.