PARA PO! (ONE-SHOT)
(c) Princess-chan.
***
"Babe, meet mo 'ko sa SM." Sabi ng boyfriend ko sa kabilang linya, si James.
"Oh sige. Wait mo 'ko diyan, san ka ba?"
"Sa food court lang baby. I love you baby! Bye!"
"I love you too, baby!" I hung up. Magjijeep lang naman ako papuntang SM.
I waved my hand sa isang Jeep na walang nakasakay. Dun ako sumakay. "Manong sa SM po," sabay abot ko ng pera ko.
Hindi umimik si manong at kinuha lang ang pera ko. Oh well, typical Jeepney driver.
Napansin kong hindi ito papuntang SM. Ibang daan tong tinatahak ni Manong eh. Ano to? Shortcut?
"Manong asan tayo? Sabi ko po SM." Okay medyo kinakabahan na ako. First of all medyo narrow yung daanan tapos ako lang ang pasahero ni Manong.
Sobrang kabado na ako kaya naman napagdesisyunan ko ng pumara.
"Para po!" I shrieked pero di ako pinansin nitong si Manong.
"Para po manong! Bababa na ako!"
"Manooong! Sabi ng papara na ako eh!" Ngunit di ako pinansin nito.
Tinype ko sa phone ko yung plate number nitong jeep just in case. Nung medyo malayo-layo na kami at di ko na marecognize tong dinadaanan namin, hindi ako nag alinlangan na tumawag sa pulis.
"Hello po, nakasakay po ako ngayon sa jeep at hindi ko po alam kung saan ako dadalhin ng driver. Ang sabi ko po SM pero ibang daan na 'to eh.." I whispered. Mahangin kasi tapos may mga puno kaming nadadaanan kaya maingay at may kalayuan ang pwesto ko kay Manong.
Tumigil kami sa isang factory. Kusa akong bumaba sa jeep. "Sumunod ka sa'kin hija.." He looks like a kind person naman.
"San po ba tayo pupunta?"
"Basta." Sumunod nalang ako sa kanya, tinext ko na rin sa pulis tong lugar na 'to.
"Dito hija.." He pointed at a door. "Pumasok ka diyan. Naghihintay siya." Sobrang nakakcurious si Manong kaya pinihit ko ang door knob.
At ang nakita ko?
Heart-shaped balloons.
Paper cranes.
Roses.
At isang lalaking nakatalikod sa'kin. Parang may binuka siyang tarp. At sa pag-lingon niya, tila ba tumigil ang mundo ko.
Sinong nakita ko?
Well, ang boyfriend ko lang naman na nakasuit and tie pa.
Anong nakasulat sa tarp na hawak niya?
"Anya Jane Marquez, WILL YOU MARRY ME?"
I can't believe na ganito kacheezy ang boyfriend ko. I smiled. "Yes."
Agad inihagis ni James ang tarp na hawak niya somewhere.
"YES! YES! ANN I LOVE YOU!!" Binuhat niya ako tapos inikot ikot pa ako. "Haha! Bring me down!"
*wee ooo wee ooo*
" Huh? ano yun?" tanong ni James. Patay, tinawagan ko nga pala ang mga pulis!
*BLAG!* "WALANG KIKILOS!" Sigaw ng isang police officer.
"Anong nangyayari dito?! Asan ang holdapper?!"
"Eh? Anya?" tumingin sakin si James ng may pagtataka. Napakamot ako sa batok ko.
"Eh kasi akala ko kung san na ako dadalhin ni Manong Driver eh. Yun naman pala dito lang. Kaano ano mo ba yun?" pagtatanong ko kay James.
"Daddy ko." He smiled. Nanlaki naman ang mga mata ko. "HUH?"
"Sinabi ko sa kanya tong plano ko eh.At talagang sinama mo pa ang mga pulis ah?" He chuckled.
Napatawa naman ako. "Dami mo kasing trip!"
"Mahal mo naman!" Nagtawanan lang kami. "I love you baby,"
"I love you too," and we pressed our lips together.
"EHEM!" Ayy, andito nga pala sila.
"Hayy kabataan nga naman ngayon oo! Aalis na kami. Kayo talaga!" Sabi ni kuya pulis.
"Hehe sorry po, masyado ko lang mahal tong boyfriend ko,"
"Fiancè you mean?" He corrected. I giggled. "Fiancè."
Umakyat rin itong si father in law. "Hay naku ka James! Alam mo bang pinosasan nila ako? Hayy!" pagmamaktol nito.
Napatawa na lamang kami. "Thank you po manong; kung wala kayo baka hindi ko rin nasaksihan to." I smiled.
"Walang anuman iyon hija. "
"I love you so much Anya," he whispered. "I love you so much more, James baby. Rawr!"
Natawa kaming pareho. This is my life now.
***