Wala Na

3.2K 85 9
                                    

03.14.14. 

"Let's all welcome back, Vice Ganda!!"  Unti unti namang bumukas ang LED screen sa harap ko. I took a step at nakita ang mga co-hosts ko na nakatingin lahat sakin. Tuwang tuwa naman ang madlang people kaya napangiti ako. Vhong welcomed me with a hug, "Namiss kita Vhongskie, I'm glad you're back." bulong ko sakanya. 

"Hi madlang people." sabi ko na mababa pa ang energy. Kagagaling ko lang sa airport kaya medyo lutang pa talaga ko pero dahil sobrang miss ko na sila, lalo na siya kaya dumiretso na ko sa Showtime. Speaking of siya, "Namiss ka namin, Vice." sabi niya kaya tuksuhan na naman. "Eto talagang si Karylle, oo na ako na sagot ko na yung 2000 per plate" sabi ko saka inayos ang suot kong shades.

Todo kwentuhan naman backstage, about sa US trip ko, about sa progress ng kaso ni Vhong, todo thank you rin si Vhong sakin sa finile kong affidavit to support his case. Everyone's happy dahil nga ngayon na lang din naman kami nakumpleto. "Vice, trending ka! #WelcomeBackViceGanda"  sabi ni Anne sakin. Napangiti naman ako, masarap sa feeling na may nagaantay sa'yong bumalik. Siya kaya, namiss nga niya kaya ako? "Huy, wakla tulala ka diyan!" pangungulit ulit sakin ni Anne. "Are you okay, Vice?"  

"Pagod lang ako."  I said and smiled weakly trying to cover all the pain and confusion na tumatakbo sa utak ko ngayon. Matagal ko naman nang alam na ikakasal na siya, pero ngayong one week nalang bago ko siya makitang ikakasal pero hindi naman sa akin, parang ngayon lang nagsisink in at ang sakit sakit pala talaga. Ngumiti nalang sakin si Anne and went back sa pakikigulo sa iba pang Showtime hosts na nagkakagulo sa pasalubong ko sakanila. Kinukulit din nila si Bernard na sa sobrang jetlagged eh, nakatulog na sa lounge. "Nga pala, Vice... trending din #Happy25thMonthsaryVicerylle, kanina pa ngang umaga e." banat naman ni Jugs. Natawa lang ako and said,  "Kayo talaga! Tara Karylle picture tayo."

Napatingin naman si Karylle sakin na parang nagulat. "Seryoso ka?" she asked. "Bawal na ba?" sagot ko naman. She shook her head, "Sabi mo kasi noon, deadma ka na sa loveteam..."  Naalala pa pala niya 'yon pero of course, I only said it kasi I was hurt that time. Wala naman akong nakitang masama kung ituloy namin yung loveteam namin sa Showtime kaya okay lang, well siguro maliban nalang sa baka mas lalo lang akong masaktan knowing we would just stay as a loveteam, bali-baliktarin ko man ang mundo. Hindi ko namalayan na she was beside me na pala, si Juggy naman na ngiting ngiti is in front of us trying to get a good shot. Inakbayan ko naman si K and smiled. 

~

After the show, nasa lounge kaming lahat, short meeting lang daw then we could go. I was scrolling through Twitter and saw Jugs' tweet. 

@jugsjugsjugs #Vicerylle #Happy25thMonthsaryVicerylle VPOTD  

I realized eto na yung huling monthsary namin na Karylle Tatlonghari pa siya. Ikakasal na siya in a week at alam kong wala na akong magagawa. Kailangan ko lang maging masaya for her as her friend at dahil nakikita ko rin naman na masayang-masaya siya, na akala ko madali lang pero ang hirap pala. Noong nasa US ako, sinubukan kong makalimot, gusto kong i-assure sa sarili ko na hindi ako nafall, na nadadala lang ako ng sitwasyon kaya ko nararamdaman to. Pero noong magkalayo kami sa isa't isa mas narealize ko how bad I want to be with her. Hindi ko inakalang sobra pala akong masasaktan at maaapektuhan every time na makakabasa ako ng tweet niya tungkol sa wedding preparations nila.

"Ayan na si Direk." sigaw ni Billy kaya umayos na kami ng upo. Tinabi ko ang phone ko at nakinig. I was seated beside Karylle na kausap ngayon si Anne. "Una sa lahat, masaya ko na kumpleto na ulit tayo...."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wala NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon