Now and Forever

55 1 0
                                    

Alas nuwebe na ng gabi at wala pa ring tigil sa pagbuhos ang malakas na ulan. Hindi na maaninag ang kalsada at mga sasakyan na dumadaan. Patuloy sa paglalakad ang mga yapak na animo’y di malaman kung saan pupunta. Sumasabay ang pagluha ng langit sa nadaramang kalungkutan ng isang dalaga. Huminto na ang ulan ngunit paambon ambon pa. Lumamig na ang paligid. Dinala siya ng kanyang mga yapak sa lugar kung saan mapapanatag ang kanyang kalooban. Dala-dala ang isang kandila, agad niya itong sinindihan at itinirik ito sa puntod ng kanyang minamahal na ina at lola. Marahang kinakausap ang puntod habang patuloy sa pagtulo ang luha sa kanyang pisngi.

“Lola….Mama… Bakit niyo ko iniwan? Sana sinama niyo nalang ako. Ang hirap mag-isa,” humihikbing sambit niya.

Mayroong naganap na banggaan sa may Sampaloc, Manila. Narinig niya ang tunog ng ambulansya. Nakita niya ang kanyang Mama at lola na walang malay at duguan. Agad agad na dinala sa emergency room. Makalipas lang ang dalawang oras ay ipinaalam na ng doktor na wala ng buhay ang mga ito.

“Hindi maaari! Dok, alam kong buhay pa po sila. Sabi po nila di nila ako iiwan eh,” ani niya sa doktor.

“Iha, kailangan mong tanggapin.”

“Iha, kailangan mong tanggapin.” 

“Iha, kailangan mong tanggapin.” 

Paulit ulit sa kanyang isipan ang sinabi ng doktor…

May lumipad na langaw sa kanyang ilong habang malalim ang pagtulog. Agad naman siyang nagising at hinawi ang langaw. Nakatulugan niya pala ang walang humpay na pag-iyak sa puntod ng kanyang ina at lola kagabi. Itinali niya ang kanyang itim at mahabang buhok na natuyo na sa pagkakabasa sa ulan. Nagdasal at nagpaalam na siya sa kanyang minamahal na Mama at lola.

“Siguro nga po, Mama..Lola.. Kailangan ko na pong tanggapin.”

        Pag-uwi sa kanilang bahay ay napagpasyahan niyang magbakasyon muna sa kanilang probinsya sa Quezon kung saan lumaki ang kanyang lola at kailanma’y di pa niya napupuntahan. Tinawagan niya ang kanyang mga kaibigan at ipinaalam dito na hindi siya makakapasok ng isang linggo sa eskwelahan dahil gusto niya munang mapag-isa. Di niya na sinabi kung saan siya pupunta. Naintinidhan naman kaagad siya ng kanyang mga kaibigan. Bago ibaba ang telepono ay paulit ulit na sinabi sa kanyang mag-ingat siya. Inayos niya na ang kanyang mga gamit at agad na umalis. Desidido na siya sa pagpunta sa kanilang probinsya.

            Nang marating niya ang kanilang probinsya ay di naman siya nahirapan sa paghahanap sa bahay ng kanyang lola sapagkat kilala naman ang kanyang Lola Isay doon.

            “Tao po!” sigaw ni Ashley sa may di kalakihang bahay.

            Nakita niyang may nagwawalis na matanda sa may labas ng bahay.

            “Ale, maaari po ba kong magtanong?” tanong niya.

            Napalingon ang matanda. “Isay!” mahinang sambit nito.

            “Ano po?” naguguluhang tanong ni Ashley.

            “Ah, wala ineng. Anong maipaglilingkod ko sa’yo?” nakangiting sabi ng matanda.

            “Magtatanong lang po sana ako kung ito po ba ang bahay ng Lola Isay ko? Iyon po kasi ang sabi ng karamihan dito,” sabi niya.

            “Oo, dito nga. Ako ang kanyang matalik na kaibigan. Tawagin mo nalang akong Lola Tasya. Halika pumasok ka,” sabi ng matanda.

Tumuloy na si Ashley sa loob ng bahay. Sapat lang ang laki nito. Malaki at malawak ang bakuran. May mga puno ng mangga at may duyan pa. Mayroon ding mga inaalagaan na baboy at manok. Nalaman niyang si Lola Tasya pala ang nagsilbing tagapag-alaga ng bahay ng kanyang Lola Isay. Mayroon silang maliit na bahay sa may bakuran. Pagkatapos ayusin ni Ashley ang kanyang mga gamit sa kwarto ay agad siyang nagpaalam kay Lola Tasya kung maaari ba siyang magpunta sa bakuran. Pumayag naman ang matanda.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 16, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Now and ForeverWhere stories live. Discover now