Left behind

44 1 0
                                    

"Left Behind"

Ako si Christoff, isang Born Again Christian. Pero ako'y naguguluhan kung ano ang tamang itatawag dito. Basta ang alam ko, ang RELIHIYON ay HINDI KA KAILANMAN KAYANG ILIGTAS papuntang impyerno.

Ako si Grenda, ang matalik na kaibigan ni Christoff at minsan maloko din. Masaya siya kasama. Hindi kayo mauubusan ng topic na pwedeng pagusapan. Madalas niya ako imbitahan sa kanilang simbahan, pero pagdating sa topic na relihiyon ay medyo PLAY SAFE ako. Madalas niya ako imbitahan sa kanilang simbahan ngunit hindi ako makasagot ng "Oo" dahil hindi ko alam kung paano magpapaalam sa magulang ko.

Ako si Sandy, ang noya ni Christoff. Nagkakilala kame dahil sa matalik na kaibigan niya na si Grenda. Nagsimula kame sa pagiging magkaaway ngunit ng kalauna'y nagkamabutihan at tila nahulog na ako sa kanya ng tuluyan. Madalas niya akong imbitahan sa tinatawag nilang "Bible Study" upang makinig ng salita ng Diyos nasa stage pa lang kame ng "Getting to know each other" nun... At naiisama na niya ako sa pag-bible study sa kanilang bahay. Ngunit ang pinagtataka ko lamang ay kung bakit niya ako sinasama sa ganitong gawain kahit wala pang matatawag na "KAME" o kahit malalim man na relasyon sa isa't isa? Ano kaya ang kanyang rason? May malalim kaya siya na dahilan? O isa lamang siyang mapagsamantala? Maraming pumasok na mga tanong sa'king isipan kung kaya't ako'y nabahala. Napagdesisyunan ko na obserbahan muna ang mga ikinikilos niya. Lumipas ang mga araw, at napansin ko na wala namang mali sa mga ginagawa niya. Siguro, Ako lang talaga yung praning na nag-iisip ng kung ano-ano. Matagal-tagal na din akong dumadalo sa kanilang bible study kung kaya't napagdesisyunan ni Christoff na isama niya ako sa kanilang simbahan.

 "Sandy? May itatanong ako.

 - Ano yun, Christoff?

 " Anong naramdaman mo simula nung isinama kita sa aming simbahan?

 - Madalas man akong makatulog o antukin sa dati kong sinisimbahan ... (buntong hininga) Pero sa tingin ko, mas magugustuhan ko dito Christoff! Masaya ako, at ang taga-pagsalita ay buhay na buhay at mas naiintindihan ko ang tinuturo.

Aminado ako, napakalaki ng pagkakaiba nito sa nakagisnan kong paraan ng pananampalataya. Higit na mas naipaparating nito ang mensahe na sinasabe ng tagapagturo.

Hindi nagtagal at naging kami na din ni Christoff, mas nakilala ko siya ng lubusan at minahal ng buong puso. Una niyang pinangarap ang maging legal kami sa magulang ko. Natatakot kasi ako sabihin sa mga magulang ko ang tungkol samen ni Christoff. Isang taon na kame at isang buwan nalang ay kaarawan ko na. Surpresa niya akong sinundo at dinala sa kanilang bahay upang kumain ng kaunting salu-salo na kanyang inihanda. Gusto ko talaga mapanuod yung movie na "Titanic" nung araw na 'yon. Kung kaya't nag-request ako kay Christoff na manuod kasama ang iba ko pang mga kaibigan. Ngunit nagtaka ako kung bakit iba ang lumabas sa telebisyon. (Tila nakaamoy na naman ako ng isang pang surpresa! At medyo kinakabahan pa ako.)

- Christoff? Ano ba yan? Sabe ko Titanic ang gusto kong panuorin, Hindi ba?

"Umupo ka lang jan. Relax! Manuod ka lang, Sandy.

- Okay :3

Isa palang bidyo iyon na naglalaman ng aming masasayang ala-ala, tila may paru-paro na nagkukulit sa aking tiyan at sa mga oras na iyon ay hindi ako mapakali. Nakapaloob din sa bidyo ang usapan nila ng aking mama, tungkol sa aming relasyon. Muntik akong mapaiyak sa tuwa at gusto kong tumalon sa tuwa dahil matapang niya na sinabi sa magulang ko na kami na.

- Christoff!

"oh?

- Maraming salamat ha! (yakap)

"Sabe ko naman sayo, magiging legal din tayo eh. Dun naman tayo sa next level?

- Anong next level ang sinasabe mo diyan?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Left behindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon