~29~
Kimchi's Insight "I can still see the pain in his eyes."
"Bitiwan mo ako maknae! Please! Kailangan ko siyang habulin.."pilit kong binabawi yung kamay ko sa pagkakahawak ni Sungjae.
Kailangan kong habulin si oppa,kailangan ko siyang makausap. Ayokong magalit siya sakin magpapaliwanag ako..
"Ano ba Kimchi!? Umuwi na tayo..wag mo na siyang habulin."sagot nito.
"Hindi pwede kailangan kong magpaliwanag kay oppa..Alam mo naman kung bakit di ba? Kaya pakawalan mo na ako."
"Halika na!"tapos hinila na niya ako at naglakad.
"ANO BA SUNGJAE? Bitiwan mo na sabi ako eh! Ano bang problema mo?"nakita ko na nakapasok na sa kotse niya si oppa.
Naglakad akong pilit kahit na hawak pa rin ako ni maknae,kailangan ko siyang makausap.
Nakakailang hakbang pa lang ako ng hilahin na naman ako ni maknae sanhi para mapahinto ako.
Natanaw ko na tuluyan ng pinaandar ni oppa ang sasakyan at unti-unting lumayo hanggang sa hindi ko na matanaw.
Dun na ako nagalit ng lubos at bumaling kay Sungjae.
"Ayan wala na nakaalis na! Kailangan ko siyang makausap di ba? Bakit ba kasi nangialam ka?! Ano bang pakialam mo? Sino ka ba? Ano bang karapatan mong pigilan ako ha? Nakakainis! Wala na siya! Wala na ! Kung hindi mo ako pinigilan naabutan ko pa sana siya!! Arhgggg! Sino ka ba ha???"mahaba at galit na sigaw ko sa kanya.
Hindi ko na namalayan ang mga lumalabas sa bibig ko. Hindi ako madalas magalit at ang malas nga lang kapag nagalit ako kasi masakit talaga akong magsalita at talagang hindi ko na nakokontrol kung ano man yung lumalabas sa bibig ko.
Nakita ko yung pain sa mata ni Sungjae habang nagpapalitan kami ng titig.
Nakahawak pa rin siya sa kamay ko habang nakatayo kami sa walang katao-taong lugar na to.
Magkikita dapat kami ni oppa dito,medyo kanina ko pa nga siyang hinihintay habang palakad lakad sa paligid ng mga punong kahoy dito.
Tinext niya ako para pumunta dito sa secret meeting place namin.
Ngayon sana ang araw na pinakahihintay ko kung saan handa ko ng ibigay ang matamis kong oo kay Jinwoon oppa.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang sumulpot si Sungjae at pinipilit akong umuwi.
Hanggang sa naghilahan na nga kami at aksidenteng nangyari ang hindi dapat mangyari at pinaka malala ay ayun pa ang eksena na naabutan ni Jinwoon oppa.
Nagulat ako lalo na ng sabihin niya yung masakit na salita na yun.
Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa.
"Bakit kailangang sirain mo ang araw ko ngayon Sungjae? Alam mo naman kung gaano kaimportante sakin ang araw na to di ba? Di ba? Bakit bigla ka na lang dadating at gagawa ng mga bagay na hindi dapat? Ha??? Kung hindi ka sana dumating sana nasabi ko na sa kanya yung sagot ko..sana kami na ngayon! Ang tagal kong hinintay to di ba? At isa ka sa mga saksi sa kaganapan ng buhay ko pagdating sa kanya! Bakit sinira mo?!!"sigaw ko."Sino ka ba? Ni hindi nga kita kadugo eh,bakit nakikialam ka sa buhay ko? Sino ka ba??"
Alam kong masasakit na salita na ang lumalabas sa bibig ko pero wala pa rin akong pakialam.
Pakiramdam ko sasabog na ako sa galit, panghihinayang,takot,lungkot,kalituhan.
"Sino nga ba ako para sayo?"nakahawak pa rin siya sa kamay ko.
I can still see the pain in his eyes.
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥