Ikaw at ako mananatili hanggang dulo
Hindi ko nanaising bumitaw
At sana ikaw ganun rin ang hangad
Palagi akong magiging positibo.Hindi ko nanaising maging mapangahas na gumawa ng ikakasira ng relasyon natin.
Patuloy akong lalaban dahil mahal kita
Patuloy akong mag mamahal ng tapat sayo
Patuloy akong iibig sayo hanggang dulo
Patuloy akong kakapit sa mga salitang binitawan nating dalawa.Una pa lang alam kong parehas na sa atin na mahirap
Ngunit kakayanin natin dahil mahal naman natin ang isa't isa.Ilalaban kita hanggang dulo
Ilalaban ko hanggang kaya ko.Di ako basta basta mag papatinag sa mga pag subok na darating
Marami man ang hadlang sa relasyon natin
Hindi tayo susuko
Kakapit tayo sa isa't isa.At patuloy na lalaban para mapatunayan sa marami na " HINDI BAWAL NA MAGING TAYO "
Marami man ang hahadlang sa ating dalawa
HINDI KO PAPAYAGAN!Dahil ang ikaw at ako
TAYO! ay kakapit hanggang dulo
Diba mahal ko? Sana ganun din ang naisin mo.At kung bumalik man tayo sa umpisa
Hindi ako mag dadalawang isip na sagutin kang muli.Bigla kong naalala nung sinabi mong panget ka
Tapos sinabi ko pa nga sayo "Gwapo ka , Wag ka papatalo mahal kita eh" lagi mo yang tatandaan mahal ko.Sana kahit gaano pa katagal tong pag subok na ito
Sana patuloy ka paring kumapit mahal ko
Dahil hindi mo alam lahat lahat ng pinag daanan ko malampasan lang lahat ng iyon.Gusto kong i-kwento lahat sa iyo kaso natatakot ako na baka maging awa na lang bigla lahat ng pag mamahal mo , Huwag naman sana!
Mahal ko? Mahal na mahal kita
Kakapit tayo hanggang dulo ha!
Lalaban tayo hanggang huli!
Hindi ako mag sisising mahalin ka
Patuloy akong mag mamahal sayo palagi
Iloveyou to the moon and back mahal ko!-mariannesabillosabado