" IMAHINASYON "

173 0 0
                                    

Imahinasyong gumugulo sa isip ko tuwing nakikita kita
Hanggang Imahinasyon o Ilusyon na lang ako
Sa akin panaginip tanggap mo ako
Ngunit sa akin pag mulat ng mata nanaginip lang pala ako.

Hanggang kailan pa ba ako mag iimahinasyon o ilusyon
Tama bang umamin ako ng nararamdam ko?
Ngunit natatakot akong iwasan mo ako
Isa lang kasi akong hamak na kaibigan mo.

Kaibigan na handa ka palaging damayan
Kaibigan na laging nariyan palagi sa iyong tabi
Oo , Kaibigan mo lang ako!

Sa aking Imahinasyon , tanggap mo ako
Hanggang Imahinasyon na lang ba ako?
Hanggang dun na lang ba?

Imahinasyon yan ang nasa isip ko sa tuwing parang gusto kong umamin sa harap mo na "GUSTO KITA" .

Pasensya na isa lang naman akong hamak na kaibigan
Na nag iilusyon o imahinasyon na gustohin mo kong pabalik.

Hindi ko naman hinihiling na gustohin mo kong pabalik
Nais ko lang naman ay masilayan ka ng walang pag iwas mo.

Sa ingay ko may mga naka tagong IMAHINASYON
Sa bawat tingin ko sayo may bumubulong na umamin na raw ako
Ngunit natatakot akong iwasan mo ako
Kaya kahit iwasan mo man ako.

Mas gugustuhin kong malaman mo man lang ang nararamdaman ko para sa'yo.

Imahinasyon o Ilusyon man lang ito hindi mababago na kaibigan lang ako.

-mariannesabillosabado

Kathang likha ng IsipWhere stories live. Discover now