Chapter 25:
Reniel's Point of View:
"Asan na ba yun niel!" Iritableng sambit ni xander.
"Aba malay ko! Kita mong tayo tayo ang magkasama dito!" Sagot ko sakanya.
Kaming dalawa ang magkasama ni xands ngayon habang si mac at jemuel ay naiwan sa dark room, sila sam, kim at phil naman naghahanap din sa ibang lugar. Tinawagan narin namin sila clif kaya nakakalat kaming lahat sa university.
*****
Nandito kami ngayon nagtatago sa isang gilid habang pinapanood ang thunder na 'to na kumakatok sa pinto nila keira."Tadyakan ko na kaya 'to sa likod?!" Bulong ng isang galit na xander sa gilid ko. Kaya napatingin ako sakanya.
"Bro, kumalma ka nga! Magkakagulo lang pag umatake ka dyan bigla."
Binalik ko na ulit ang tingin ko sa thunder na 'to. Nakailang katok din siya. Sana hindi nila buksan yung pinto, delikado' to at baka mapasabak kami bigla.
Mga ilang segundo tinanggal ng thunder na 'to ang maskara niya at naghubad ng damit.
"Galing ng hayup oh! Doble damit!"
"Xands manahimik ka nga dyan!" Pananaway ko sakanya habang nakatingin padin sa thunder na yun.
Mabilisan niyang inilagay sa likod niya ang damit at maskara niyang nakapaloob sa damit na hinubad niya.
Pagkatapos nun kumatok na ulit siya.
"Bro, Si Thunder nga ang nasa likod ng maskara." Sambit ko kay xander habang nakatingin parin ako sa lalaking yun."Alam ko. May tattoo na thunder sa leeg oh."
Napatingin naman ako sa leeg ng thunder na 'to, at tama nga may tattoo siya.
Ilang segundo lang nagbukas na ang pinto.
"Shit bro!"
"Bro teka teka! Wag!" Hinila ko ulit si xander pabalik sa pinagtataguan namin. "Dyan kalang kasi! Huminahon ka! Malalagay lang sa peligro buhay niyan ni anastasia pag nagsimula ka ng gulo, isipin mo katapat ni si thunder." Pagpapaalala ko sakanya.
"DAMN IT! FINE!" Mahinang sambit niya na halatang inis at galit.
Nung binuksan na niya yung pinto nakita kong binati pa ni anastasia si thunder.
"Anong meron!? Kilala niya ba si thunder?! "
"Bakit bro!?" Bigla napatayo si xander sa pagupo niya sa sahig dahil sa sinabi ko.
"Ayan oh. Maayos pa silang naguusap."
"Paano niya nakilala yan!?" Nagtatakang tanong ni xander.
"Bro, hindi kaya kapag minsanang mag isa si anastasia bigla bigla nalang sumusulpot yan?"
"Pwedeng oo alam mo naman na mas mabilis pa yan tumakbo at magtago sa daga."
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi ni xander. Hahahah!
"Bro, may tao na darating tara!"
Narinig ko kasing merong lalaki na may kausap sa phone na paparating sa isang daanan.
"Hindi ko pwede iwanan si anastasia bro!"
"Tara na!" Hinila ko naman agad si xander kahit nagpupumulit siyang makawala.
*****
Xander's Point of View:Nandito kami sa elevator. Babalik na kami sa dark room. Lakas kasi ng topak ni reniel! Kitang nandun pa yung thunder na yun sa dorm nila anastasia eh!
"Bro, baka kung ano na mangyari kay anastasia."
"Hindi yan. Knowing thunder, hindi siya ganun kapag may gagawin na masama. Isipin mo naman tinanggal pa niya yung maskara niya."
"Oo na! May gagawin ako mamaya."
"Sira! Nakikita mo ba yung oras!? Ayan oh!" Inilapit niya sa mukha ko yung relos niya. "6:00 na diba!? Magpahinga kana dun sa dorm gusto mo?" Aniya.
"Bakit mo pa ako sinama Papunta sa dark room papabalikin mo rin pala ako!"
"Hahahah! Akala ko ba may gagawin ka!?"
"Bakit alam mo ba gagawin ko?!"
"Mm.. Pupunta ka kela anastasia?"
"Mind reader kaba?!"
"Hahahahah! Kilala na kita."
Nung pagkasabi niya nun bigla ng nagbukas yung pinto ng elevator. Na sakto ay nasa 7th floor na kami.
Lumbas na siya agad at sinabing..
"Bro, sige na puntahan mo na siya dun. Nasa paligid lang sila clif anytime pagka nagkagulo nandyan agad sila. Magingat ka."
"Sige bro, salamat ingat kayo."
Pinindot ko na yung button na pabalik sa 4th floor kung nasaan nandun ang dorm namin at dorm nila anastasia.
****
Nandito na ako sa 4th floor at sakto naman na nakita ko si clif pati ang iba niyang kasama na nagbabantay."Yow sir xander." Taas kamay na bati ni clif.
"Ingat kayo dyan." Sambit ko sakanila pati kay clif.
Binilisan ko na ang lakad ko para makapunta agad kela anastasia. Gising na siguro yung babae na yun noh? Nung pumunta kasi ako tulog pa yun eh.
Sana nga at gising na siya. Gusto ko na kasi siyang makita. Ang mata niyang napaka ganda pati ang ngiti niya na nakakahawa.
Nandito na ako sa tapat ng dorm nila. Kumatok na ako ng anim naabagal at dalawang mabilis sa pinto nila at buti na ngalang ay binuksan agad ito.
"Ang aga na-"
"Hi anastasia!" Pagpuputol ko sa sasabihin niya.
Nung pagkabati ko sinara niya bigla yung pinto kaya natamaan ilong ko.
Anong trip niyaaa?! Ang sakit takte!
Kumatok ulit ako ng anim na mabagal at dalawang mabilis.
Imbes na si anastasia na ang nagbukas si keira na ang bumungad saakin.
BINABASA MO ANG
Ms. Suplada Meets the Seven Beasts
Gizem / GerilimMs. Anastasia's Message: Gusto niyo akong makilala? Hahahah! Sure no problem. Basahin niyo ang story na 'to kung paano nagsimula ang lahat simula ng dumating sa SB UNIVERSITY , Ang Seven Beast nas 'to. Enjoy :)