The Story

10 0 0
                                    


Naranasan mo na bang umibig?Alam kong lahat naman tayo naiinlove eh minsan nga lang napapatapat tayo sa taong akala natin siya na, nahuhulog tayo sa maling tao kasi masiyado nating minamadali ang bagay bagay.

Yung taong sweet tapos sobrang maalalahanin yung tipong ipaparamdam sayo na sobrang mahalaga ka, iyong tipong ituturing kang parang prinsesa pero sa huli sasabihin lang sayo "sorry hindi kita mahal hanggang kaibigan lang pala ang kaya kong maibigay sayo" peste lang sarap bigwasan.

Nakakainis hindi ba? Matapos kang bigyan ng motibo, matapos niyang iparamdam na mahalaga ka sa kanya bigla na lang niyang mapagtatantong hindi pala ikaw ang hinahanap niya. Hindi pala ikaw yung magpapasaya at kukumpleto ng bawat araw niya. Saklap ng ganitong sitwasyon hindi ba? Sobrang saklap dahil iyan mismo ang naranasan ko.

Ako kasi itong eewan ewan nag-assume agad ako na seryoso talaga siya. Hindi niyo naman ako masisisi dahil iyon talaga yung naramdaman ko na may gusto siya sa akin. Hindi ko din naman siya masisisi baka friendly lang talaga siya.

Ako nga pala si Kit at nainlove ako sa maling tao, kay JD. Hindi pa naman ako sigurado kung maling tao nga siya o kung hindi nga ba talaga siya ang taong para sa akin dahil bata pa naman ako. Baka ito yung plano ni God pagtagpuin kami tapos paghiwalayin kasi hindi pa ito yung tamang oras. Hindi naman ako umaasa na siya na nga lang talaga malay ko ba kung meron talagang mas worth sa kanya. Gulo ko diba? Kasing gulo ng lovelife ng iba.

Sa totoo lang tahimik at maayos naman ang buhay ko noong hindi pa siya nagpaparamdam sakin. Umiikot lang ang buhay ko sa pakikipagbarkada, pag-aaral at siyempre sa pamilya. Ngunit ng dahil sa facebook na iyan nagulo ang tahimik kong buhay. Gabing gabi na noon wala akong magawa dahil tapos ko ng basahin lahat ng nasa wattpad library ko. Naisipan ko na lang na magbukas ng facebook account ko. Sa hinid inaasahang pangyayari nakita ko sa suggested friends ko ang isang pamilyar na mukha ngunit hindi ang pangalang JD Aquitana pinindot ko na kaagad ang add friend button. Nabigla naman ako ng lumabas agad na inaccept niya ako. Mas nabigla ako sa sumunod na nangyari kasi nagchat siya sa akin ng "hi" ang kaso lang bigla akong inantok kaya imbis na replayan agad siya ay natulog na lamang ako.

Kinaumagahan hindi ko agad naisipang magbukas ng facebook dahil marami pa akong kailangang tapusin na gawaing bahay bilang isang panganay. Mga bandang alas tres ko pa naisipan magbukas ng facebook dahil masiyado akong naaliw sa pinapanood kong thai movie, tanging reply ko lang naman ay "hello" at napakabilis niyang magreply parang kakasend ko lang may reply na agad siya. Hindi ako mapalagay kasi kung magchat siya parang napakatagal na naming magkakilala samantalang nagkita lang naman kami ay noong isinama siya ng kaibigan niya na kaibigan ko rin sa isang event. Mahaba na ang napag-usapan naming hanggang hindi ko na nga namalayang gabi na pala at nakauwi na ang magulang ko galling sa trabaho. Naisip kong itanong sa kanya kung may girlfriend na ba siya? Natatakot kasi ako na baka bigla na lamang may magchat sakin na huwag kong landiin si JD dahil may girlfriend na siya pero laking tuwa ko at nakahinga ako ng malalim ng sabihin niyang wala siyang girlfriend o nililigawan man lamang. Naniniwala at nagtiwala naman ako sa kanya na nagsasabi siya ng totoo. Mabilis akong magtiwala kaya palagi akong nasasaktan at sinasaktan.


Lumipas pa ang ilang araw, gabi-gabi kaming magkachat o magkatext ni JD. Ok naman siya sobrang sweet niya. Kaso iba yung nararamdaman ko kaya nag-assume na agad ako tinanong ko siya kung bakit siya ganoon sakin at kung nanliligaw ba siya. Ang sagot niya lang "ayaw kong manligaw sa chat parang nakakawala ng pagkalalaki yon". Nagpatuloy na lamang kami sa set-up naming ganoon. Hinayaan ko na lang siya kung saan siya komportable. Nagpatuloy din yung kakaiba kong nararamdaman.

KisapmataWhere stories live. Discover now