Safire's POV
NAKATUNGANGA lang ako ngayon dito sa classroom. Paano ba kasi ang aga kung nagising at ang aga ko ring pumunta dito, yan tuloy wala akong kasama.huhuhu. Punta nalang kaya ako sa Library at matulog.
Naglalakad na ako papunta sa Library habang may airphones sa tenga. Teka? Si Alexander yun ah. Papalapit na dito yung lalaki na pamilyar sakin. Wahh!!! Si Alexander nga!! Tanongin ko kaya kung ano oras dadating yung kambal..hehe.
"Uyy Alexander, Anong oras dadating yung kambal?" Napahinto siya at magkaharap kami ngayon. Yey! Gusto ko nang makasama yung kambal.
Tiningnan niya lang ako na parang di siya interesado sa sinabi ko. Narinig niya ba? Uulitin ko nalang. "Alexander, ano palang oras dadating yung kambal?" Sana narinig niya na. Pero di parin siya sumasagot eh. Ano ba yan.
"Hello?!" Ginulat ko siya para mapansin niya ako pero parang wala parin. Bakit kasi nakatingin lang siya sakin?
"Yung daanan ko."
"Huh?" Daanan niya? Hala! Magkaharap pala kami. Tumabi nalang ako para makadaan daw siya. Ano yun? Di manlang sinagot yung tanong ko eh. Ayun, dumeretso nalang siya patungo sa classroom.huhuhu. Ano yun?
"Salamat ha!!!!" Sigaw ko sakanya kasi medyo malayo na siya. Ay, nag-thumbs up pa si Kuya. Che! Ughh!
Dumeretso nalang talaga ako sa Library. Pagpasok ko dun nakaramdam ako ng antok kaya dumeretso ako sa pinakahuli at natulog muna kasi 6:30am palang naman. Hayy... Napahikab pa ako. Nilagyan ko nalang ng panyo yung mukha ko.
Alexander's POV
Saan naman kaya pumunta yung babaeng yun? Bakit ko ba siya iniisip? Makapunta nangalang sa Library. Ang aga niya ha. Nauna pa siya sakin. Anong nakain nun at ang aga niya?
Hoy ikaw! Anong nakain mo at iniisip mo siya?
Hala.. Masama ba siyang isipin? Ngayon lang to noh. Tsaka bacon lang naman yung kinain ko kanina.
Dito nako sa loob ng Library at dumeretso sa pinakahuli. May tao pa pala dito. Teka.. Kilala ko yan ah. Tulog ba yan? Ang lupit talaga ng tadhana oh. Hahaha.. Tulog na tulog eh. Umupo nalang ako paharap sakanya. Ano kayang magandang gawin sayo..
Hoyy!! Wag mo siyang pagsamantalahan ha!!! Lagot ka sakin!!
Sa mukha kong to. Siya? Pagsasamantalahan ko? Never. Nagpalinga-linga ako sa paligid kung may makita ako. Ayun!! May naiwang marker, pinulot ko agad yun at binasa. Permanent marker.. Hahahaha.. Tadhana..tadhana..tadhana.. Ang bait mo sakin noh? Pagtingin ko kay Safire wala na yung panyo na nakatabon sa mukha niya kanina. Nakikisama siya ha. Hahaha. Sinimulan ko na. Sana masurprise ka.
Bumalik nalang ako sa classroom at nilagay yung airphones ko pagdating ko sa seat ko.Napapikit nalang ako. Nafeel ko na marami-rami na rin yung nagdadatingan.
"Kuya!!" Ano ba yan? Alam kong sa kambal yung boses na yan. Napadilat nalang ako at kinuha yung airphones sa tenga ko. "Bakit?"
"Kuya, nasaan si Safire? 7:15 na kaya. Si Vanessa na ang nagtanong ngayon. "Aba, malay ko" Binalik ko nalang ulit yung airphones sa tenga ko at Hindi na kumibo pa.
BINABASA MO ANG
Fallen Inlove (On-going)
Teen FictionSamahan natin si Safire Gail Funtales sa kanyang buhay...At alamin kung ano ang mangyayari😂😂😂 That's All😂😂😂 -------------------------------------------------------------