Ilang buwan na ang nakakalipas, pero ang hirap pa ring magpatuloy. Hindi ko pa rin maiwasan na isipin o hanapin si Patrick dahil sa loob ng tatlong taon, kaming dalawa 'yung palaging magkasama, magkasangga sa lahat. Sinubukan ko pa rin na makipagdate, pero katulad nang nangyari kay Carlo, hanggang kaibigan lang talaga ang kaya ko. Nagpakabusy na lang ako sa school at sa pag-aaral, at lalong tumaas ang mga grades ko.
Sinusubukan ko pa ring makalimot hanggang ngayon. Pinipigilan ko na ang sarili ko na tignan ang profiles niya, dahil alam kong masaya na siya. Masaya na siya kahit na wala na ako sa tabi niya. Mahirap tanggapin pero wala naman akong magagawa kung hindi na ako ang tinitibok ng puso niya. Hindi ko naman pwedeng ipilit na ako pa rin kung hindi naman na talaga.
Kahit na masakit, unti-unti kong pinipilit na kalimutan siya at ang lahat ng alaala namin. Siguro na hanggang dito na lang talaga ang lahat. Hanggang dito na lang dahil siya mismo ang tumapos sa lahat, sa mga pangarap, sa mga pagkakataon na sana kami ang magkasama.
Hindi madaling makalimot at mag-move on, pero hindi naman huli para mahalin ko na ang sarili ko at piliin ang kasiyahan ko. Kaya siguro, ngayon na ako magsisimula. Oo, na-traffic ako ng ilang buwan dahil pilit kong hinahanap yung sagot sa tanong na bakit hindi na ako yung mahal niya pero mali lang pala ako ng tinatanong sa sarili ko. Mali lang ako ng anggulong tinitignan. Ang dapat pala na tanong ko ay: bakit hindi naman sarili ko ang mahalin ko?
Sa pagkakataong ito, si Benice naman muna. Ako muna ang mamahalin ko. Ako muna ang hahayaan kong maging masaya. At sa tingin ko, makakayanan ko na.
BINABASA MO ANG
Afraid to Fall
RomanceAfter being heartbroken by her boyfriend, Benice struggles to move on. She finds herself building walls to protect her own heart from being broken again by loving someone who will definitely just tear her apart, once again. But will she learn to ope...