Chapter 1

34 1 0
                                    

(Years ago)

Shanuwa Twilight's POV

"Ma!!".sigaw ko.

"Bakit?" tanong ni mama.

"Wala. Trip ko lang sumigaw. Si papa?" Nakangising sabi ko.

"Di pa umuwi." Sagot niya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Inaasikaso ang companya" sagot ni mama.

"Ahh. Okay." Sabi ko nalang tapos umakyat na sa taas.

Wala naman kasi akong alam tungkol jan sa companya nila e.

Habang nakatingin sa bintana, pinagmasdan kong mabuti ang batang malungkot na nagduduyan. Parang ka-edad ko lang ganon.

Ako nga pala si Shanuwa Twilight Aragon. Ang nag-iisang anak ng mama at papa ko. And I am nine years old.

In fact, mas gusto ko ang Shanuwa ang tawag sakin, ayaw ko sa Twilight kasi parang nakakatakot. Oo takot ako sa takip-silim, sabi kasi ni lola may multo na daw sa mga oras na iyan.

Twilight ang ipinangalan sakin ni mama kasi daw lumabas daw ako sa tiyan niya eh takip-silim na.

Kaya ayun.

"Hoy bata!" Tawag ko don sa batang lalaki.

Parang ang lungkot niya kasi eh, nakakaguilty naman kung ako dito masaya tapos siya malungkot diba? Kaya kakaibiganin ko nalang siya.

Sila kasi yung bagong lipat dito sa subdivision, tapos magkapit bahay kami.

Tumingin naman siya sa gawi ko, pero blanko ang expression niya.

Nginitian ko siya tapos kumaway ako. Pero kunot ng noo ang binalik niya sa matamis na ngiti ko.

Snob naman neto.

"Gusto mo'ng suman?" Usisa ko.

Tinignan niya lang ako pero bigla siyang tumayo at naglakad patungo sa tapat ng bahay namin.

Second floor kasi ang bahay namin kaya nasa ibaba siya tapos ako nasa taas. Nakatingala siya saakin tapos nakayuko naman akong nakatingin sa kaniya.

"Gusto mo?" Tanong ko ulit.

Imbis na sumagot ay inilahad niya lang ang kamay niya na para bang nanghihingi siya.

Kaya ayun, hinulog ko ang suman tapos nasalo niya rin naman.


"Arigato." Sabi niya


Ano daw?

Akala ko pipi siya.

Anong arigato?

Alien ba siya?

Pero kahit di ko naintindihan ang sinabi niya ngumiti nalang ako, pero di ako tumango, baka panget ang meaning nong salitang yun, hindi ako panget no. Ganda ko kaya.

Lumisan na siya tapos pumasok sa bahay nila.

Agad akong lumabas ng kwarto at hinanap si mama.

"Ma !" Sigaw ko na naman.

"Ano ka ba Twilight, sigaw ka ng sigaw jan, may mga kapit bahay tayo baka magagalit." Sabi niya.

"Sorry. Pero ma, alam niyo ba ang salitang 'Arigato'?" Tanong ko.

"Oo. Japanese language yan. Thank you ang ibig sabihin niyan." Sagot ni mama

Ayy. Mey ganon?

Bakit di ko naisip na thank you pala yun, kasi nga diba binigyan ko siya, kaya spempre magtha-thank you talaga yung tao.. Hahaha

Soon To Be YoursWhere stories live. Discover now