Ang aking karanasan sa pagsusulit na, NCAE.
Property of I mentalderanged I 2014 I
Actually essay namin ito sa Filipino noong third year. Nahalungkat ko lamang sa mga papeles ko and I just want to share it.
**
Familiar ba kayo sa NCAE? O ang National Career Asessment Examination?
Ang test na ito ay usually kinukuha ng mga third year students para makatulong sa kanila sa pagdedecide nang kursong nais nila pagtungtong nang kolehiyo.
Let me share you my experience.
**
Mainip ..
Masakit sa ulo ..
Magutom ..
Nag-aaway na sila sa aking kamalayan. Sa bawat pagbuklat ko ng mga pahina'y waring gustong kumawala ng aking ulirat. Nangangalay na rin ang aking kamay sa pagkukulay ng itim sa maraming bilog na nandoon. Naririnig ko ang aking kamay, pumapalahaw na ito sa pagod. Nagagalit na ito sa akin. Gusto na nitong wasakin ang panulat na hawak ko nang sa gayon ay tumigil muna ako sa aking ginagawa.
Init na wari'y nasa impyerno. Tagaktak na ang pawis ko na kung sasahurin ay makakapuno ka ng isang balde. Basa rito, basa doon, sagot dito, sagot doon. Tumatagos na ang mga salita sa aking mga mata. Kahit na naihirapan na ay sige pa rin. Tuloy lamang, mapataas lamang ang marka sa pagsusulit na iyon. Mabuti na lamang at tinawag ako ng aking kwaderno at libro noong nakaraang gabi kaya ang ibang mga tanong ay nasasagutan ko nang madali. Sa kagustuhan kong umuwi na ay binilisan ko na ang pagsasagot. Nang matanaw ko na ang kahuli-hulihang numero ay nagdiwang ang aking buong pagkatao. Sa wakas! Natapos ko na rin ang NCAE. Sa paglabas ko ng room 23 ay may matamis na ngiting mababanaag sa aking labi. Saglit akong napatigil nang maalala na hindi ko pa pala alam ang pangalan ng gurong nagbigay sa amin ng pagsusulit. Ngunit 'di bale na. Ang importante'y natapos ko ito ng maayos at matiwasay.
**
All rights reserved. I 2014 I