EPILOGUE
Ang daming nangyari simula noong ikasal kami ni Suga. Naging masaya kami, naging malungkot, nagkasakitan kaming dalawa, naghiwalay kami dahil sa mga kasinungalingan na ginawa namin sa isa't isa, nagkaroon ako ng anak sa ibang tao at naghiwalay ulit kami para bigyan ng oras yung mga sarili namin pero hindi pa rin nawala yung pagmamahal na mayroon kami para sa isa't isa.
Tapos na kaming ikasal ni Suga. Nasa Manhattan kami kasama si Yoonji para sa honeymoon namin. Malapit na rin mag-tatlong taon si Yoonji at balak kong dito sya sa NY magcelebrate ng 3rd birthday nya. Karga karga ni Suga si Yoonji habang papunta kami sa isang restaurant. Hindi pa kami naglu-lunch at may balak daw si Suga na ipakita sakin.
"What do you want, Yoonji?" Tanong ni Suga nung nakarating na kami sa restaurant. Tinitignan ko lang yung menu pero hindi ko maiwasang hindi tignan si Suga at Yoonji dahil gustong gusto ni Yoonji si Suga.
Hinawakan ni Yoonji yung ilong ni Suga habang tumatawa sya. Hindi makahinga si Suga kaya sa bibig sya humihinga. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sobrang cute nila. Parang mas gusto pa nga ni Yoonji si Suga kaysa sakin.
Tinawag ko na yung waiter para mag-order, "Mediterranean Lubina, Pavé of Scottish Langoustines and Slow-poached Hudson Valley Moulard Duck Foie Gras please. Thank you." Suga said. I find him cool while he's talking.
"Tara dito, Yoonji." Sabi ko pero ayaw umalis ni Yoonji sa tabi ni Suga. Nagkunwari akong malungkot kaya tinatawanan ako ni Suga.
"Paano ba yan? Mas gusto na ako ni Yoonji kaysa sayo?"
"Mas gusto ka rin naman nung papa ni Yoonji ah. Mahal na mahal ka kaya non." Sabi ko kaya biglang napangiti si Suga. Humawak sya bigla sa puso nya at nagkunwari sya na parang inaatake sya sa puso.
"Yung papa mo Yoonji, hindi ko kinakaya. Pinapakilig na naman nya ako." Sabi ni Suga kaya binato ko sya ng tissue. Minsan naiisip ko na mas bata pa si Suga kaysa sa anak namin kung mag-isip eh.
Dumating na yung mga pagkain kaya nagsimula na kaming kumain. Naalala ko bigla na may gusto syang ipakita sa akin kaya uminom muna ako ng tubig bago magsalita, "Love, may gusto kang ipakita sakin diba? Ano yon?"
May kinuha si Suga sa bulsa nya pero hindi muna nya pinapakita sakin, "I made this when I was in high school. I said to myself, I will do everything that is written here with the right person. I never felt that Gabrielle is the right person for me. I think I was meant for someone else... and then you came in my life. When you proposed to me, I felt that you're the one for me. And no one else can make me feel the way you make me feel things like this."
Unti-unti akong napangiti habang pinapakinggan syang magsalita. Dalawang tao lang naman yung minahal ko sa buong buhay ko.
Si Yoongi at si Suga.
Magkaibang tao, pero pareho ng mukha.
Inabot sakin ni Suga yung papel kaya kinuha ko yon, "This is just a stupid bucket list made by a high schooler named Min Suga. I found that in our house here in New York. It's just a simple bucket list but I want to do these things with you."
Binuksan ko yung papel at napangiti na lang ako dahil ang cute pala ng handwriting ni Suga nung high school sya... hindi ko mabasa ng maayos. Limang bagay lang naman yung gusto ni Suga na gawin at pinakapaborito ko yung huli.
"We will do this together." Sabi ko sa kanya. Hinawakan nya yung kamay ko at hinalikan nya yon, "Thank you, love." He said.
The next day, iniwan namin si Yoonji sa bahay nila mama para maalagaan naman sya ng lola nya. Excited na nagdadrive si Suga habang hawak nya yung isang kamay ko. Papunta kami ngayon sa isang amusement park dahil gusto nyang sumakay sa Viking at gusto nya ring magpicture sa isang photobooth.
BINABASA MO ANG
The Book of Lies | yoonmin
FanfictionIn this sequel of One Kiss, One Lie, Park Jimin and Min Suga face marriage life. But when their past begins to haunt them, everything starts to fall apart. A Sequel of One Kiss, One Lie Written by: chimchimeeen [COMPLETED]