Bahag ang buntot na iniwanan ako ng aking ina,
Takot sa obligasyong siya naman ang may gawa;
Hindi pinanagutan ng magaling Kong ama,
Sino ngayon ang magiging kaawa-awa?Ako ang magdurusa sa aking walang kamalayan,
Dahil dinala nila ako sa ganito ng kalagayan;
Namulat sa mabaho at magulong lansangan,
Hindi man lang ba nila naisip ang aking kapakanan?Sino ngayon ang magtataguyod sa aking paglaki?
Hanggang sa huli, kundi ang akin lamang sarili;
Wala akong magulang habang ako ay lumalaki,
Kaya nadadapa pero bumangon akong muli.Ngunit ang katotohanan ay sa akin ang gumulat,
Kinakaawaan at pinandidirian pala ako ng lahat;
Unti-unting mga luha sa aking mata ay kumalat,
Nahihiya na tuloy ako sa sarili kong balat.Hindi letra, hindi rin bilang ang sa utak ko ay nakalagay,
Wala akong alam, mangmang sa lahat ng bagay;
Hangga't sa 'di ko na kinaya ang hagupit nitong buhay,
Gutom, lutang, mahina at tila wala ng saysay.