PETER/JAM POV
Matagal bago kami nagsalita ni Jam dahil nag uusap lang kami sa aming isipan. Ngunit sa aming paglalakad papuntang park ay nakarinig kami ng pagsabog na nagmumula sa main gate ng Dragic Empire. Mga kalaban!! Sigaw ni Jam sa kanyang isip na agad ko namang naintindihan. Itatago o ilalayo ko sana si Ivy ngunit saka ko lang napag isip na siya ang pinupuntirya at hinahanap ng mga taga Demonic Clan. Oo, alam ko na si Ivy ay ang nawawalang anak ng Hari at Reyna.
Sa aking pagtakbo habang hila si Ivy ay biglang may lumitaw sa aming harap na tatlong taong naka pulang cloak. Aatakihin sana nila kami ng nagulat ako kung ano nangyayari kay Ivy. Nagkulay rainbow ang kanyang mata, pagkatapos ay nagulat akong minamanipula na niya ang kapangyarihan ng kalaban.
Lahat ng nasa Empire, maski si Jam ay natigilan dahil sa lakas na bumabalot sa katawan ni Ivy ngunit naalala namin pareho na hindi pa gamay ni Ivy ang kanyang kapangyarihan at baka mahimatay siya.
Ngunit mali kami, limang minuto na ang nakakalipas ngunit nasa ere pa rin siya at inaalis ang kapangyarihan ng mga kalaban. Sobrang lakas niya para talunin ang mga nasa sampu o dalawampung kalaban na sumugod dito sa Empire.
Puntahan mo sila, sabihin mo ang nangyayari dito. Sabi sa akin ni Jam kaya di ako nag aksaya ng oras at tumakbo na ako sa opisina ni HM Nair.
Peter: Headmaster, Si Ivy po.......
Nagmamadali namang nagsilabas ang mga tao sa loob ng kwartong iyon maski ang Hari at Reyna. Nagulat sila sa kanilang nadatnan. Si Ivy, nakalutang sa ere, kulay rainbow ang mata, minamanipula ang kalaban at tinatanggal ang kapangyarihan.
Jam: Sampung minuto na siya sa itaas. Baka maubusan siya ng lakas.
Sienna: Ano?! Bat ngayon mo lang sinabi?
Histerikal na sinabi ni Sienna pagkatapos ay nagmamadaling tinanggal ang damit pang itaas, naka tube na lang siya at palda na kinagulat ng lahat. Kasabay nito ay ang pagpapalit anyo ni Sienna.
Brown Dragon. Yan na si Sienna, nilalabanan niya si Ivy ngunit agad namang nagpalabas ng sleeping roses si Taffy ( ang kanyang kapangyarihan) para patulugin si Ivy ngunit sadyang malakas ang dalaga. Si Taffy ang nakatulog sa sarili niyang kapangyarihan samantalang si Sienna naman ay nakakakitaan na ng pagod sa kanyang mga mata.
Hindi na nag aksaya ng oras pa ang Hari, inalabas niya ang kanyang invisible sleeping roses para itama kay Ivy. Hindi naman iyon nailagan ng dalaga kaya nahulog siya mula sa ere. Agad naman siyang sinalo ni Peter.
Naunahan na naman ako. Sabi ni Jam sa kanyang isipan.
Dinala nila si Ivy sa clinic. Samantala, napag alaman na nila na si Ivy nga ang anak ng Hari at Reyna na labis namang kinatuwa ng mag asawa. Ngunit ito naman ang nagpakaba sa Headmaster ng Dragic Empire.
HM Nair: Hindi tayo pwedeng magpakampante lang. Kaya pag usapan niyo nang magkakaibigan ang training ni Ivy sa mga susunod na araw.
Tumango lamang ang mga magkakibigan sa sinabi ng Headmaster. Samantala, kapansin pansin naman ang tahimik na si Jam.
Sienna: Okay ka lang? / tanong ng dalaga sa binata.
Tango lamang ang sinagot ni Jam at nagpatuloy sila sa paglalakad.
Dumaan ang dalawang araw at nagising na din ng tuluyan si Ivy, kasabay nito ay ang makilala niya ang kanyang mga tunay na magulang.
King Lire: Anak, mabuti at gising ka na. Nangulila kami ng matagal sa iyo.
BINABASA MO ANG
THE BALANCER: DRAGIC EMPIRE (COMPLETED)
FantasyTHIS STORY CONTAINS ORIGINAL IDEAS COME UP TO AUTHOR'S MIND. PLAGIARISM IS RESTRICTED PROHIBITED.