This is obviously the PROLOGUE but I prefer to call it a sneak peek. Thank you for taking the time to read the story. I hope you'd come to like it. :)
oO0Oo
She gripped his arm tight. Hindi niya mapigilan ang mapaungol sa sakit habang sapo niya ang kanyang malaking tiyan. The contractions were getting longer, faster, and more painful. Alam niya sa sarili niya na manganganak na siya.
"Hey, you all right?", nag-aalalang tanong sa kanya ni Zyrelle.
The mixed look of panic and worry is evident on his face. But right now, wala sa mood si Avery na intindihin ang lalaki. Manganganak na nga siya diba? May pa 'all right, all right' na tanong pa ang lalaking ito! What's worse is that they are currently stuck inside the elevator!
"G-Get help, stat!", mahina pero mariin niyang utos dito. Hindi na niya inalintana na ang lalaki nga palang ito ang boss niya. "Manganganak na ako!"
Na-blanko sandali si Zyrelle bago nag-sink in sa kanya ang sinabi ni Avery. Ng makabawi sa pagkabigla, hindi na man niya malaman ano ang gagawin. This is the first time he's been with a pregnant woman at yun pa talagang manganganak na! Wala siyang alam sa dapat gawin.
"Oh, shit! Oh, shit!"
Puro mura na lang ang nasabi niya habang nakatingin sa malaking tiyan ng babae. Nanginginig ang kamay na kinuha niya mula sa bulsa ang kanyang cellphone at pinindot ang numero ng kanyang sekretarya.
"Get someone to open the elevator door now!", sigaw niya at ibinaba iyon kaagad bago pa man makasagot ang nasa kabilang linya. Bumaling naman siya kaagad sa babaeng mahigpit na nakakapit sa braso niya. He doesn't know what to do to assist her kaya para na lamang siyang timang na pumusisyon na para bang sasaluhin ng free hand niya ang malaking tiyan ng babae. "Hold tight. My secretary will find a way to open the door."
"Secretary mo ang tinawagan mo?!", hindi makapaniwalang tanong ni Avery. Namumutla na siya at malapit na talaga siyang takasan ng ulirat sa sakit. But no! She can't fall unconscious! Hindi siya makakapanganak ng maayos if hihimatayin siya, especially when it seems like the man beside her doesn't even have a speck of a clue what to do with the current situation.
"Yes, he-"
"CALL THE AMBULANCE, IDIOT!"
BINABASA MO ANG
[Exclusively Yours] Book 1 - Until I See You Again
RomantizmCOMPLETED. Meet Zyrelle Fuentebella, CEO ng Storm Shuffle Entertainment na isa sa mga elite game companies sa Pilipinas. Highly sought after bachelor sa alta sociedad. He's good at his job but there is one thing that makes him stand out from the r...