So, here's chapter one, entitled The Real Thing, sana magustuhan nyo! :)
'Pag naging okay pagbabasa nyo... Sabihin nyo po ah? Para walang away, haha.. Joke lang.. x)
REMINDER: Fantasy po ang lahat ng 'to at gawa lamang ng cute na author ng binabasa nyong libro... XP
Vote and comment! :)
Kahit criticism, okay lang.. Malay natin dba? Hahha... Oh sya, sya. Basahin nyo na.. Remember, comment kayo! ;-P
------------------------------------------------------------
"Oh? Kuya, ano ginagawa mo dyan?" tanong ko sa kuya kong nagmumukhang ewan sa ginagawa nya.
"Ah, ano kasi, uhm, ganito kasi yun, ah, eh--" I cut him off.
"Ano nga? Dami mong satsat eh. Bakit ka ba nakabitin dyan? Tsaka bakit ka nakatali dyan? Sinong may gawa nyan sayo? Para ka tuloy nagmumukhang hostage dyan. Ano 'yan? Kidnap for ransom?" sunod-sunod kong sabi, eh sa totoo naman talaga eh. 'Wag na kasi kayong epal.
"Tss, alam mo, Daniel. Bakit 'di ka nalang maawa sa 'kin noh? Kita mo na ngang nakabitin ako dito oh. Baliktad pa, aissh! Kasi naman yang si Carmella eh, ako ang nakita't pinag-tripan. Tulungan mo na nga lang ako." galit Kuya? Galit? Sige na nga lang, kakaawa naman kasi eh.
Tapos yun nga, binaba ko ang kuya ko, nakabitin kasi sa puno eh. Tinali daw ni Carmella, ang bunsong kapatid namin ni Kuya Diego. Hay naku! Kahit kailan talaga si Carmella. Tsk.
Nakababa na nga ang kuya ko, tapos tinawag na kami ng mommy namin. Pumunta kami syempre, andito kasi kami ngayon sa park, nagpipicnic.
"Kuya Diego? Tinong kumawala tayo?" tanong ni Carmella, bulol eh. Kaya ganun nalang makapagsalita, sabagay, bata pa naman sya. Four years old pa.
"Si Kuya Daniel, bakit? Itatali mo ako ulit? Ha?" nakangiting sabi ni Kuya Diego, asus! Halata naman talagang peke kung makangiti, para na rin kasi syang naaasar kung makapagsalita eh. Nag-smirk ako. Wala, asar lang sa kuya ko. Bakit? Pumapalag ka? Di joke lang!
"Mm-mm." nag-nod si Carmella, habang kumakain ng saging. Inosente kung makapag-isip. Nakangiti pa nyang sinasabi yan ha? Tapos may kasama pang taas-baba ng kilay, ang cute! Sarap kurutin! Palibhasa bata.
"HAHAHAHA!" natawa ako sa sinagot ni Carmella, hooo! Hahha, hawak-hawak ko ang tyan ko habang tumatawa tapos tinuturo si Kuya. Ganda lang ng mood ko, feel ko mang-asar ngayon eh. :))
"Tss, kung hindi lang kita kapatid, ikaw na bata ka. Lintek ka sa 'kin 'pag tinali mo 'ko ulit. Subukan mo lang." bulong ni Kuya sa sarili nya, pero narinig ko naman. Tumingin sya sa malayo at napakamot nalang sya sa likod ng ulo nya tapos kumuha ng half na sandwich tapos nilagay lahat sa bibig nya. Haha, klarong-klaro na naiinis na talaga sya. :))
Tawa lang ako ng tawa nang biglang may nagtapon sakin ng towel. Aray! Well, hindi naman talaga masakit pero masakit-sakit pa rin. Oh? Oh? Ano? Eepal ka pa? Ikaw kaya tapunan ko ng towel, tss.
"Mommy naman, minsan lang ako makapang-asar eh. Ano ba naman 'yan. Psh." nag-pout ako tapos kinamot ko ang likod ng ulo ko at umupo sa inilatag na picnic mat.
"Hoy, hoy, Daniel John Ford Padilla! Sa labing-anim na taong existence mo dito sa mundong ito, wala ka ng ginawa kundi asarin ang kuya mo. 'Tong batang 'to." tinuro-turo ako ni mommy sa mukha habang sinasabi nya yun. Kaasar pero nakakatuwa, ang kwela lang naman kasi ng pamilya namin eh. Inggit ka noh? Haha. 'Wag, di pwede 'yan. Haha.