Our innocent baby

2K 64 11
                                    

Ano ba?
Imbis na isipin ko kung ako ang mga dapat gawin ko sa mga natitirang araw ko dito sa Canada ay iniisip ko pa kung bakit hindi ako magawang bigyan ni Vicku ng oras?
Bakit din naman kasi ang lakas ng loob ko at hanggang ngayon ay umaasa parin ako sa maraming bagay na alam kong imposibleng mangyari na.

Nawalan ako ng gana na mag explore sa loob ng mansion at nahiga nalang ako sa sofa na nakatapat sa main hall.
Makita man nila ako sa ganung itsura okey lang.
Siguradong hindi rin naman iyon big deal sa kanila.

Halos natapos na ang buong araw na nag tago lang ako sa kwarto at naupo sa kung saan pwede at nag palipas ng oras.
Nakakatamad pala ang maging tamad paminsan minsan.
Pakiramdam ko ay wala akong silbi kahit na pag lilinis ng bahay.

Napabuntong hininga lang ako saka ko tinignan ang paligid mula sa kinahihigaan ko.
Ang matataas nitong mga kisame ang mas nag papalungkot sa akin.
Broken hearted nanaman ako at nakakainis talaga.
Kaylan ko ba magagawang kontrolin ang isip at puso ko para makapag isip ito ng magka-pareho?

Hanggang sa nakarinig na ako ng sasakyan mula sa labas.
Hindi ako tumayo o umayos manlang ng upo at nanatili lang akong nakahiga at nakayakap sa tropillow.
Nag aabang kung sino man ang unang papasok at makikita ko.

Riley?

Una ay narinig ko ang pangalan ko saka ko nakita ang isang lalaki na papalapit sa akin.
Si Jaythan.
Patakbo syang lumapit saka paluhod na pumunta sa harap ko.
Hindi ko sya nagawang batiin manlang kahit na nasa harapan ko na sya.
Hinawakan nya ang aking noo at kita sa kanya ang pag aalala.

May masakit ba sa'yo? Anong nararamdaman mo?

Tanong nya.
Saka sumunod na dumating si Galen, at Tracer.
Si Daemon at Alexus ay dumiretso sa taas samantalang wala si Vicku at wala akong idea kung nasaan sya.

May problema ba?

Mahinahong tanong ni Jaythan sa akin.
Naupo ako ng maayos habang nag aantay lang si Galen at Tracer kung may kaylangan ba ako.
Ngumiti ako kay Jaythan.

Wala. Inaantok lang ako.

Sagot ko kay Jaythan.
Napabuntong hininga si Jaythan at napahawak sa kanyang dibdib.

Akala ko kung ano ng nangyari. Nag aalala ako sa'yo lalo na iilan lang kayong naiwan dito.
Nakakain ka ba kanina?

Tanong nya.

Oo, kasama ko si Bryon.

Sabi ko.
Biglang nag iba ang expression ng mukha ni Jaythan.
Ang nag aalala nyang mukha ay parang biglang na blanko.

Ganun ba. Mabuti yan.

Mahina nyang tanong.
Saka sya tumayo, tinignan lang sya ni Tracer at Galen.

Tara na. Para makapag pahinga tayo.

Sabi ni Jaythan saka lumakad.
Kumaway sakin si Galen at tinapik naman ni Tracer ang braso ko, pero si Jaythan ay hindi na lumingon at nag paalam.
Nag tatampo ba sya dahil kasabay ko kumain si Bryon?
Ano ba naman itong nangyayari?
Hindi ko na alam kung alin sa mga nangyayari ang ippriority ko.

Bumuntong hininga nalang ako at saka tamad na tamad na tumayo at inayos ang tropillow sa tama nitong pag kakalagay sa sofa sa gilid at naka padiamond na style ang pagkakapatong.
Saka ako lumakad at bumalik sa kwarto.
Habang nag lalakad ako ay nakita ko pa si Jaythan at akma ko sana syang batiin nang bigla syang lumiko sa isa sa mga pinto.
Nakita nya ako at sigurado ay umiiwas lang sya sa akin.

Wala akong nagawa kundi dumiretso nalang sa kwarto at humilata sa kama.
Pilit kong binubura ang problema sa isip ko.
Minsan talaga nag dadalawang isip na ko kung aalis na ako mula sa pag ttrabaho sa kanila.
Pero hindi naman iyon madali.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon