Meika's POV
*Kringggg kringggg kringggg kringggg* Hep! Pinatay ko na ang alarm clock ko bago makalimang kring. Nauna pa kong magising kesa sa alarm clock ko e no? Hahahahahaha!
"Di ka naman excited?" Inner ego
Hihihihi! Uhm.. Medyo medyo lang! Like duh? First day ng Senior High life ko no! I'm so eggzoiteeeed! ~^O^~
"Ewan ko sayo. Daldal mo! ~_~" Inirapan ba naman ako ng inner ego ko? Nakabatak ata yun hahaha!
Anyway, I already did my morning routines before my alarm clock rang a while ago kaya eto naka-upong patalon talon nalang ako dito sa kama habang nag-iisip kung gaano kaganda ang naghihintay sakin sa SHS life ni ako 😁
*Knock knock* Binuksan ko agad ang pinto at ngumiti ng malapad na malapad sa kaharap ko
"Lady Meika, handa na po ang hapag. Bumaba na po kayo para kumain." Nakangiti nyang sambit.
"Olrayt! Leggo!" Masigla kong sabi tsaka lumakad pababa ng hagdan. Pagdating ko sa kusina, nagningning ang mga mata ko sa pagkaing nasa harap ko. Serep serep nenemen ng kain ko ^_____^
"If I know, sa lahat naman ng pagkain nagniningning yang mga mata mo. Tsk" Wag ka na umimik inner ego! Nahahalata ako ng mga readers! ><
Di naman na umimik si inner ego kaya ayun kumain na ko at nabusog ako syempre! Alangan namang nagutom e kumain nga. Hahaha! Charotz lang ;) Pagkatapos nga, lumabas na ko ng bahay at saka sumakay sa kotse tsaka pumunta na sa school na papasukan ko. Yipeee!
Pagkarating ko dun agad akong nagpunta sa parking at bago ako lumabas, itinext ko muna sina Brea at Paislee para sabihing nandito na ko sa school. Nagreply naman sila agad at diretsong ipinark ang mga sasakyan nila sa tabi ng car ko at dun na kami sabay sabay bumaba. Ang cool nga e hahaha! Pagbaba namin kita kong parang medyo napatigil ng slight ang mga tao. Pano ba naman kasi, yung dalawang kasama ko parang galing sa hollywood. Magaganda kasi talaga sila tapos akala mo e mga model na irarampa ang mga damit sa runway. Kung matanong nyo ako, hahaha well isang ripped potato lang ako sa gitna nila :3 Pero syempre joke lang yun no? Di man sa pag-aano pero walang panget saming tatlo. Lahat din naman kami e may sense of fashion :)
"Beshy, parang nakakita ng mga dyosa yung mga tao oh" Sabi samin ni Brea habang naglalakad kami. Ang weird kasi nila di pa kami nagsasabi ng excuse tumatabi na agad tas parang ready to flow na mga saliva nila. Hahaha peace po hihihi
"Ako, dyosa. Ewan ko lang kayong dalawa. Lalo ka na Brea. Di ka naman mukhang dyosa e. Bleh! Hahahaha!" Pang-aasar ni Paislee sa pinsan nya. Nakita ko naman na biglang umusok ang butchi ni Bree (Bree tawag namin dyan e) kaya pumagitna na agad ako
"Hey Bree. Wag mo nang pansinin yang si Pai (Pey) sige ka papangit ka nan tapos masisira outfit mo today" I said
"Panget naman talaga si Bree." Bulong pa ni Pai. Baliw talaga to. Hahaha
"Pai stop." I said
"Okay fine. Hahaha! Sorry Bree. Pikon ka nanaman e."Sabi nya kay Bree
"Kainis ka talaga! Kung di lang kita pinsan pinasagasaan na kita 10 wheeler truck e. Tss" Inis na sabi ni Bree.
"Guys stop na. Baka mag-ring na ang bell. Punta na tayo sa mga buildings natin. Kita nalang tayo mamaya sa parking ha? Iexplore natin tong school. Mukhang maganda e." Nakangiti kong sabi.
"Sya sige Meika. Magkatabi lang ang building namin e. Gusto mo hatid ka namin?" Tanong sakin ni Pai
"No need guys. But thank you :)" I said kating kati na paa kong pumunta sa building ng Stem. Hihihi. Si Brea kasi Arts and Design ang kinuha tapos si Paislee Sports track ang pinasukan e sakto magkatabi lang at malayo layo yung building ng STEM sa mga buildings nila.
"You sure?" Tanong naman sakin ni Bree. Nakangiting tumango ako kaya nagpaalam na sila at nakipag-beso beso. Nagpatuloy naman na ko sa paglalakad. Nagha-hum ako habang naglalakad at patingin tingin sa paligid ang ganda kasi ng view. Lahat pedeng magganapan ng pictorial. Habang nagpopose ako sa isip ko bigla akong tumama sa isang bagay at...
BINABASA MO ANG
She's My Kryptonite
Romance"Wala akong pake sa mga taong nakapa-palibot sakin except My True Friends aka Sidekicks aka Mga Kanang kamay ko. Pag sinabi ko, sinabi ko. At lahat ng sasabihin ko dapat masunod at mangyari by hook or by crook. Lahat ng kumalaban sakin, samin pedeng...