Mika's"Let's stop this Mika."
"Leave... please leave."
Muli ko nanamang naalala yung sinabi niya, the fuck hahaha. Ininom ko naman yung johnny walker na laman ng baso ko at umorder pa ng isa.
"Ye, tama na, nakailan ka na oh." pag awat sakin ni Ara.
"Vic, sinama kita para samahan ako uminom, hindi para pigilan ako." sagot ko at muling uminom.
"Cheers para sa pusong sawi." at nakipag cheers ako kay Ara. Nakita kong umiling pa siya bago uminom.
"Check ko lang si Den sa dance floor ha, behave ka jan." sabi niya pa.
"Aye aye captain!" at sumaludo pa ako sa kanya.
Nakakainis, hindi man lang ako pinag paliwanag, pinaalis na lang ako agad at ano ba yung stop this na yun. Napansin ko namang may tumawag at nakita ko ang name niya.
My Queen 😍❤
Agad agad kong sinagot
"Hello?" medyo sluggish kong sabi.
"Mika magkita tayo."
"*hic* okaaay! Saan ba babe?" saad ko at muling nasinok.
"Nasaan ka? Sa parking lot na lang niyan. Text mo sakin. Bye."
Bigla akong gininaw sa lamig ng pakikitungo niya. Buti na lang may jacket akong dala kahit ang init naman dito sa bar.
Nagtext naman ako agad at inintay na siya sa parking lot. Nang makarating sila ni Jovs ay yayakap sana ako kaso pinigilan niya ako.
"Chel, Mika, pasok muna ako sa loob ha." saad ni Jovs at nagtungo na sa bar.
"Babe" panimula niya at alam kong may mali sa tono pa lang niya.
Gusto ko na maglakad palayo, ayokong marinig yung sasabihin niya.
"I'm sorry." saad niya at nagsimula ng umiyak.
Niyakap ko naman siya at hinagod ang likod niya.
"Babe, tahan na. Okay lang naman. Di mo kailangan mag sorry, alam kong nadala ka lang kanina."
Patuloy lang siya sa pag iyak, hindi ko na alam kung pano siya papatahanin dahil kahit anong sabihin ko ay hindi pa din siya tumatahan. Para tuloy akong sinasaksak ng paulit ulit dahil ayokong umiiyak si Rad, ayoko.
"I'm sorry babe, I'm sorry."
"Shhh babe. Tahan na, tahan na." ay humalik naman ako sa sentido niya.
"Ano ba dapat kong gawin para tumahan ka na babe?" tanong ko sa kanya.
Feeling ko dapat hindi ko na tinanong yung bagay na yun kasi hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang sinabi niya.
"Kiss me and make me yours."
Para akong naestatwa. Hindi ko alam ang gagawin ko. The next thing I knew papunta kami sa bahay niya. Siya ang nagdrive ng kotse ko dahil nakainom ako. Tineks naman niya si Jovs na nauna na kami at wag munang uuwi. As in pinagpapawisan ako, ayoko kasi may sinumpaan ako sa sarili ko.

BINABASA MO ANG
Unexpected Encounter ( Mika Reyes - Rachel Daquis )
Fanfiction© 2017 - Mika Reyes - Rachel Anne Daquis Fanfic. MikChel [Completed]