PAGBABAKA-SAKALI
Baka Sakali 1 inspired
Ang sabi niya, ang pag-ibig ay parang sugal.
Hahamakin ang lahat maabot ka lang.
Pero bakit kailangan ng sakit, ng pasakit?
Hindi ba pwedeng, pagnaabot na kita,
Ay akin ka na?
Pero sabagay, sugal nga pala ang pag-ibig.
Hindi ito basta-basta naaabot sa isang titig.
Wala kang kasiguraduhan kung makakamit mo,
Kung makakamit moa ng pag-ibig na para sa'yo.
Kailangan ko ito paghirapan,
Pahtiyagan at ibuhos ang lahat,
Kahit walang kasiguraduhan,
Dahil tayo ay nagbabaka-sakali lamang.
Ano nga ba ang makukuha ko mula sa'yo?
Ano nga ba ang mangyayari kung magbabaka-sakali ako?
Ewan ko,
Basta ang mahalin lang ako pabalik ang nais kong makamit.
Ang mahalin ako ng isang tulad mo.
Ang maramdaman ang mga labi mo.
Ang mahagkan sa mga bisig mo.
Lalo na ang maangkin ang kabuuan mo.
Wala akong pakialam sa sinasabi nila.
Kung ano man ang iniisip nila.
Kailangan muna nilang dumaan sa'kin,
Bago nila ikaw saktan at ilayo sa'kin.
Basta ang mahalaga ay makasama kita,
Hanggang sa pagtanda nating dalawa.
Kaya sana hindi na tayo magbaka-sakali,
Magbaka-sakali sap ag-iibigang ito.
Alam kong alam mong gagawin ko ang lahat para sa'yo.
Dahil hinding-hindi ka na magbabaka-sakali sa pag-ibig ko.